Chapter 65: AWAKENING

128K 3K 533
                                    


CHRISTINE POV


"Taurus?"


Sya si Taurus? Nakatitig ako sa kanya at sa maskara nya... Alam ko na isa sya sa mga Apostle pero hindi ko naisip na sya si Taurus. Tiningnan ko si Lyra, nakatitig lang din sya kay kay Quince at para bang may hinihintay itong gawin nya.


"Ten seconds, ten seconds para tumakbo kayo at ang takbong yun... ang magiging huling habulan natin..."


"Eight..."


"Lyra, run..."


Pero hindi nya ako narinig, nakapako lang ang tingin nya kay Quince. Masama ang kutob ko dito... based sa reaction ni Quince, mukhang alam na nya na si Lyra talaga si Bloody Maria at nagpapanggap lang ako.


"Four..."


"Lyra"


Niyugyog ko ang balikat nya at saka lang sya napatingin sa akin, hindi ko maintindihan ang mga tingin nya pero ang importante ngayon, makalayo sya at mailigtas kay Quince.


"Lyra, run!" mukhang nagdadalawang isip pa sya sa sinabi ko.


"Two..."


"Run!"


"One..."


Medyo nahihilo pa ako at hindi parin tumitigil sa pagdugo ang mga sugat ko. Para namang biglang natauhan si Lyra at agad naman syang tumakbo, mabilis sya kaya alam kong makakalayo sya agad dito.


"Here I come, Bloody Maria..."


"Quince..."


Lumapit pa si Quince papunta sa akin habang hawak ang baril nito. He is Taurus, yun ang dapat kong itatak sa utak ko at alam kong hindi sya mangingiming patayin ako lalo na at niloko ko sya.


"Ang sabi ko, maghahabulan tayo... hindi magpapatintero..."


Itinutok nya ang baril nya sa akin pero agad ko din naman syang sinugod at tinakle saka pilit na inagaw ang baril sa kanya. Inipit nya ang leeg ko gamit ang kabilang kamay kaya napilitan akong sipain sya.


Bahagya syang napaatras, hinawakan ko naman ang kamay nya at hinampas sa sahig. Nabitawan ni Quince ang baril nya, kukuhanin ko sana ito pero nahawakan nya ang paa ko kaya napasubsob ako sa sahig.


"Arggghhh..."


Binuhat nya ako at saka inihagis sa mga nagkalat na drum sa pier. Pakiramdam ko, nabali lahat ng buto ko sa ginawa nya at mas lalong nagdugo ang sugat ko.


"You fooled me once at hindi na mauulit yun... hindi ikaw ang kailangan ko kundi si Bloody Maria!!!"

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon