Chapter 49: THE MIND GAME

132K 2.8K 489
                                    


JIREH POV


Ang batang iyon... kaya naman pala simula pa noong una, lumalapit na sya kay Lyra, kaya pala ganun na lang ang pinapakita nya... may pinaplano syang masama.


"Where is he? Nasaan si Isly?"


"Do you think sasabihin ko sayo?"


"No, I don't kaya pipilitin kita."


Hinila ko sya sa kwelyo nya at saka sinuntok ulit. Hanggat hindi sya nagsasalita, hindi ko sya titigilan...


"King baka mapatay mo sya."


"Papatayin ko talaga sya kapag hindi pa sya nagsalita."


Tang ina, feeling ko nakabaon sa lupa ang kalahati ng katawan ko sa pag-aalala. Hindi ko alam kung nasaan si Lyra at kasama pa sya ng isang Apostle, hindi ko na alam ang gagawin ko. I want her to be safe... pero bakit parang pilit lumalapit sa amin ng gulo? Bakit si Lyra na lang lagi ang nadadamay sa lahat? Wala syang kinalaman sa gulong ito...


Hindi sya isang gangster at lalong hindi sya isang Apostle, kaya bakit?


"I will tell you something King para naman gumaan ang loob mo."


Tumigil ako sa pagsuntok at tiningnan ko ang mukha ni Shin na puro pasa na at dugo. I can't believe he still manages to talk sa kabila ng mga suntok ko.


"No matter how strong each one of you... together, you are worthless" napapintig naman ako sa sinabi nya.


"Why? First, because you trust each other so much and second... you let your emotion controls you, that are the weaknesses of Helena Gang"


"Eh gago ka pala eh" this time si Dylan naman ang sumuntok kay Shin.


Sinubukan syang pigilan ni Yola pero tinuloy nya lang ang ginawa nya. Maiintindihan ko pa yung emotion but what about trust? Mga kaibigan ko sila, sila na ang kasama ko simula pa ng bata ako lalo na si Prime, natural lang na pagkatiwalaan ko sila.


Na kahit buhay ko pa... itatayo ko sa kanila.


Ginugulo lang ba nya ang isip ko o may gusto syang sabihin sa akin na dapat ko pang malaman? Tiningnan ko si Prime, nakatitig lang sya kay Shin...


Possible abng may alam din sya sa sinasabi nito?



LYRA POV


Si Isly... lumapit sya sa akin, sya ang nagpakidnap sa akin. No, hindi nya magagawa iyon, I know iba ang gumawa at naipit lang sya sa sitwasyong ito pero yung tao na humampas sa ulo ko, may maskara sya ng isang Apostle...

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon