Chapter 62: FAREWELL RYUZAKI

117K 2.5K 488
                                    


HOSPITAL

JIREH POV


Pinagmasdan ko ang kamay ko na puno ng dugo ni Ryo. He is Sagittarius, one of the Apostles at hindi ko na mababago yun.


I'll admit, sobrang galit ang nararamdaman ko dahil sa ginawa nya. Tinaraydor ako ng sarili kong kaibigan, ng isang tao na labis kong pinagkatiwalaan but now, but now that he is dead...


Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. It's like anyone can be an Apostle, but who is the real one?


The real one.


Para kaming pinaglalaruan ng tadhana at hindi ko na alam kung dapat ko pang pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid ko.


Ngayon ko lang narealize lahat ng mga sinabi ni Shin noon at ang mga babala ni Libra. Masyado kong hinayaan ang sarili ko na makontrol ng emosyon ko at ng mga gusto kong mangyari kaya naging bulag-bulagan ako sa kung anoman ang totoo.


Ang tanga ko.


Napasabunot ako sa buhok ko saka tumingin sa pintuan kung saan nakasulat ang salitang Morgue. Nasa loob pa nun ang katawan ni Ryo, he died bago paman nya nasabi sa akin ang bagay na gusto nyang sabihin. Hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin sa mga magulang nya ang nangyari.


"King, anong problema?"


Napabaling ako kina Skye na nakaupo sa kabilang bench sa tapat ko. Nagamot na ang mga sugat nila, however, kailangan parin nilang magpahinga.


Huminga muna ako ng malalim at saka sumandal.


"Before Ryo died, may gusto syang sabihin." saka ako tumingin sa kanila "about Lyra"


Nagulat sila sa sinabi ko, kahit naman ako. Hindi ko man alam kung anong gusto nyang sabihin tungkol kay Panget pero sa loob-loob ko, alam kong hindi maganda yun.


"What about her?"


Before Ryo died, he said something about her na hindi nya nasabi. Pakiramdam ko napakaimportante ng bagay na yun.


"I don't know. Bago pa nya nasabi, he passed away"


Gusto ko mang iconfirm ang ilang bagay about kay Lyra, hindi ko magawa yun dahil maging sya, nawawala. Kung may pagkakataon lang sana para makausap ko sya, I will take that para masagot na ang mga tanong na ito.


Iniisip ko tuloy, kung pinakinggan ko noon si Prime about sa kanya o si Leo, hahantong kaya kami sa ganito?


Ayokong isipin ang isang bagay pero kung totoo man yun, hindi ko alam ang gagawin ko.


When she asked me that, I said that I have exception, kasi alam kong hindi totoo yon but when Prime asked me the same thing, alam ko gusto kong patayin si Virgo.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon