Chapter 28

27.4K 368 35
                                    


Chapter 28:

Sa isang Italian restaurant kami dumiretso ni Troy. Iisang oras din kami nalate dahil nagpumilit akong umuwi muna para makapagpalit man lang.

Nakakahiyang iharap sa mga business partners nila ang t-shirt at pantalon kong pinaglipasan na ng pawis at amoy ko.

Minabuti kong magbihis man lang ng presentable at naayon sa okasyon. At naging tama ang desisyon ko sa oras na pumasok kami sa restaurant.

Halos lahat ay nakabihis na pang-mayaman at pormal. At kung itinuloy ko ang planong hindi na magpalit, malamang ay hindi ako pumasok sa sobrang kahihiyan.

"There they are." Turo ni Troy sa lamesang nasa kabilang parte ng restaurant. May anim na taong nakaupo doon at masinsinang nag-uusap.

Agad kong nakilala ang likod ni Ti-, I mean ni Dad. Hindi pa rin ako masanay na ganun ang itawag sa parents ni Troy. Kahit pa sila na mismo ang nagbigay ng basbas ay napipilipit pa rin talaga minsan ang dila ko.

Habang papalapit kami ay lalo akong kinakabahan. Ngayon lang ako sumama sa dinner na tulad nito. Katwiran ko dati ay hindi naman ako involved sa business nila kaya wala akong parte o posisyon sa pag-uusapan nila. Pero nang ayain ako ni Troy ay hindi na ako nakatanggi.

Kahit pa binigla lamang niya ko sa pagsuno sa'kin sa eskwelahan.

Napansin ni Troy ang pagkabalisa ko. HInawakan niya ang isa kong kamay at bumulong sa aking tenga. "Samantha, you have to relax."

Umiling ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Troy. Baka maipahiya ko kayo."

He chuckled trying to mock my uneasiness. "Just be yourself and stop worrying. Kakain lang tayo at aalis na din pagkatapos." Paninigurado niya sa'kin.

"Ayoko lang kumain ka mag-isa sa bahay ngayon." Dugtong niya.

Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang bigyan ng malisya anng kaniyang pakitungo sa'kin. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganung bagay dahil ako lamang ang masasaktan bandang huli.

"Sanay naman akog mag-isa kumain. Hindi naman ako mawawala sa bahay na 'yun." Usal ko na inilingan lamang niya at hindi na pinansin pa.

Nagpaalam sina Manang na uuwi muna sa probinsya. Sumama rin si Maria dahil sa pagkakasakit ng Nanay niya. Kaya kung hidni ako isinama ni Troy dito, mag-isa akong kakain sa malaking bahay na 'yun.

Binalik ko ang buo kong atensyon sa mga taong unti-unti naming nilalapitan. Nakita ko agad si Tito na seryosong nakatingin sa kausap niyang lalaki. Halos kaedaran lamang nila 'to at batid kong isa ito sa tinutukoy ni Troy na business partner.

Ilang dipa na lang kami ng makita kami ni Dad. Ngumiti siya at tinuro kami sa kaniyang kausap.

"They're here." Anunsyo niya.

"Good evening, Mr. Tiongson. My wife and I are sorry for being late." Bati agad ni Troy ng tuluyan kaming makalapit. Nakipagkamay siya sa lalaki habang hawak pa rin ako sa isang kamay.

"No worries, Iho. Traffic at this hour is insane. I'm just glad you're here." Magiliw na sagot ng matanda.

Isang hilaw na ngiti ang pinakawalan ko nang tumingin sa'kin si Mr. Tiongson. "Good evening, Sir!"

Lumingon ako sa katabi niya at bumati rin. "Good evening, D-Dad!"

Naupo kami sa dalawang magkatapat na upuan. Ang daddy ni Troy ang naging katabi ko habang si Mr. Tiongson naman ang sa'kanya.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now