Chapter 27

4.2K 80 6
                                    


CHAPTER 27:

The game ended with a winning triple from Chrome. Pumasok ulit siya ilang minuto bago matapos ang laban. And it was justified when he successfully shot the game winner. Everyone from their team cheered and praised him for doing a splendid job. Kahit kami ni Mandy na kalaban ng team nila ay napatalon dahil sa sobrang tuwa.

At hindi 'yun nagustuhan ng mga katabi naming Business Ad.

Napayuko kami at dahan dahan na kumawala sa masasama nilang titig. Mandy is trying her best not to giggle and so do I. Napunta kami sa lion's den at kami ang hyena na pwede nilang atakihin.

It's scary, but funny as well.

Tumakbo kami pababa ng bleachers hanggang sa makalabas kami ng tuluyan ng gym. Kahit hinihingal ay napatawa kami ng todo dahil sa nangyare.

"God, Sam! Buti na lang talaga hindi tayo nakuyog. They look scary as hell."

"Well, yeah. Next time sa neutral side na tayo umupo."

We looked at each other and gave out a good laugh.

Parang kanina lang ang seryoso ng usapan namin tungkol sa feelings niya kay Chrome, pero heto kami at halos hikain sa kakatawa dahil sa nangyare.

Tumuloy kami sa café. Si Mandy na ang nagtext sa dalawa na dito na lang kami magkita-kita. Busy pa rin si Roxanne kaya hindi na namin inabala. For all we know, baka nakatulog na siya sa kung saan sa sobrang antok.

Speaking of antok, unti-unti ko nang nararamdaman 'yung pagod sa sistema ko. I'm quite surprised na kaya ko pang idilat ang mga mata ko.

"What do you want, Sam? Nagugutom na talaga ko." Tanong ni Mandy habang nakatingin sa menu board. Tinabihan ko siya at nakitingin na rin.

Matagal na rin ang huli kong punta dito. Marami ng nagbago sa food na sineserve nila. Hinanap ko si Ate Grace pero mukhang nasa office siya. May bago na rin silang cashier at server. At mukhang hindi na rin talaga ko makakabalik dito.

"Spaghetti at Strawberry shake na lang." sagot ko.

Kumuha ko ang ng pera at iniabot 'yun kay Mandy. Tiningnan niya ko at tinaasan ng kilay. "I know you're now married to a very rich guy, but this is on me. Keep your money." Napanguso ako sa sinabi niya.

Hindi nga kinuha ni Mandy ang pera ko. Nasanay na sila na laging sinasagot ang pagkain ko. Kaya dati ay nagbabaon ako ng pagkain para hindi na sila makasingit ng paglibre sa'kin. Hindi naman ako abusado para pagsamantalahan ang pera ng mga kaibigan ko.

I made a mental note that this will be the last.

Binibigyan ako ni Troy ng allowance. Noong una ay hindi ko matanggap 'yun dahil sa sitwasyon namin. Pero aniya, 'yun na lang ang magagawa niya bilang asawa ko kaya pabayaan ko na siya.

At dahil mukhang pag-aawayan pa namin 'yun, hinayaan ko na siya sa gusto niya. I quickly settled on the table near the window.

Doon namin hinintay ang order. Mandy kept on talking about her day and the game. Habang ako naman ay nakikinig lamang sa'kanya. Paminsan-minsan nakikitawa ako dahil sa pagiging aligaga niya sa buhay.

"Sana talaga hindi ako ibagsak ni Sir. Hindi ako makakauwi ng bahay pag nalaman ni Kuya na may tres ako." Reklamo niya.

"Kuya Kyle loves you. Hindi ka pababayaan nun."

"As if totoo. Hindi na nga niya ko inuwian ng paborito kong bag nung last na uwi niya. Hindi na rin siya madalas umuwi sa bahay. "

"Baka may ibang pinagkakaabalahan. May chocolates ka naman pagtiyagaan mo na 'yun." She rolled her eyes.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now