Chapter 30

4.7K 80 2
                                    

Chapter 30:

Para akong lumulutang sa hangin matapos ang tagpong 'yun. Kahit ang pangungulit at paglalambing sa'kin ni Malcom ay hindi ko napagbigyan. Naiwan lang akong nakamasid sa mga batang naglalaro sa gitna at kay Troy na panay ang kuha ng larawan sa'kanila.

Ni hindi ko nagawang maayos na maghain ng makakain ng mga bata. Nang subukan ko kanina ay nalito lamang ang mga bata sa ikinikilos ko. Imbes kasi na kutsara at tinidor ang iabot ko dalawang kutsara ang nailagay ko sa kainan nila.

Itinama ko na lang nung magreklamo sila sa'kin dahil hindi daw makaka-ikot ng spaghetti noodles ang kutsara.

Kaya naupo na lamang ako at pinanuod silang kumain sa kani-kanilang lamesa.

Alam kong hindi tama na madaliin ko ang pagmomove-on ni Troy. Hindi ko dapat iniisip na balewala na sa'kanya ang nangyari sa'kanya nitong mga nakaraang buwan.

Pero hindi ko maiwasan.

Lalo na may mga araw na pinaparamdam niya sa'kin na masaya siya at walang iniisip na problema. Bihira siyang nagsusungit at laging maliwanag ang kaniyang aura na para bang walang problemang iniisip.

It gives me hope.

Na may dapat akong asahan mula sa'kanya. Na dapat kong panghawakan ang lahat ng meron kami dahil may patutunguhan ang tinatakbo ng relasyon namin. Kahit pa minsan pakiramdam ko'y nagmumukha na akong tanga sa kakaasa sa wala.

God knows how hard I tried to stop myself from expecting too much from him. But I always end up hoping too much, and hurting myself along the way.

Sana lang ay hindi na dumating sa punto na lahat ng nararamdaman ko para sa'kanya ay sumabog at masira ang kung anumang meron kami ngayon.

Hindi na lang siya isang kaibigan sa buhay ko ngayon.

Troy became one of the most important people in my life. And it will break me if I lose him just because I fucked up and felt something for him that is inappropriate.

Kahit pa kasal kami sa mata ng Diyos. Alam kong hindi tulad ng nararamdaman ko ang nasa dibdib niya.

Sa ngayon, makukuntento na lamang ako sa simpleng bagay na makakapagpasaya sa aming dalawa. Kahit pa alam kong sa bandang huli ay hindi ko maiiwasan na masira at masaktan.

Three months of being with him changed my feelings.

Some people may say, it's too fast; that it's something I should thoroughly think about. Na imposibleng magkaroon ako ng ganung kalalim na pagtingin kay Troy sa oob ng maikling panahon.

That maybe everything is nothing but a spur of the moment.

But I beg to differ.

Sana nga ganun na lang kababaw kung anuman ang nasa puso ko. Para mas madali akong makaahon at makaiwas sa panganib at sakit na unti-unti kong niyakakap dahil lang sa gusto ko siya. Kahit pa walang kasiguraduhan ang lahat ng ito.

Ngayon ko narealize ang mga naging desisyon ko nitong mga nakaraang buwan.

I made myself believe that I marry him out of my sheer desire to help him and his family. But I've come to a realization that everything was nothing but a lie; nothing but a desperate attempt to satisfy my own peace of mind.

Papalubog na ang araw nang magpaalam kami sa mga bata pati kina Sister. Troy's still pretty busy with Malcom. Hindi ko alam na mabilis silang magkakagaanan ng loob.

Hinarap ko na lang si Sister Ana na agad na hinawakan ang mga kamay ko. She squeezed it like she's trying to calm my nerves.

Sister Ana's like my mother. Siya ang takbuhan ko noong panahon hindi ko pa alam kung paano makakasurvive ng malayo sa pamilya ko.

Substitute Bride (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang