Chapter 20

29.5K 361 17
                                    

Chapter 20:

Everyone cheered when we bade goodbye.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. I just know it's our honeymoon and normal couple do out of towns to celebrate their first night together.

Of course, we won't do that.

So I don't know what Troy is up to. Basta ang sabi niya ay siya ang bahala kaya hindi na ako nagtanong pa.

Nauna ako sa pagpasok sa sasakyan. May mga tao pa siyang kinakausap na hindi ko naman kilala. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng suot kong damit.

Then I saw Troy hugging the man he's talking. Tumalikod na siya at mabilis na tinakbo ang distansya niya at ng sasakyan na kinalalagyan ko.

He settled beside me.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Are you tired?"

Umiling ako. Kahit sabihin na buong araw na kaming abala sa kasal at pag-aasikaso sa mga bisita, hindi pa ako gaanong pagod para magpahinga.

"Good then." Aniya.

Bumaling siya sa driver ng kotse. "Take us to the hotel." Utos niya

Kumunot ang noo ko. " Sa hotel ba tayo magpapahinga?"

"No. We'll stop by to pick up our luggage, and then we're heading to the airport for our flight."

Nanglaki ang mata ko. "Saan tayo pupunta?"

Nanatili ang mga mata niya sa'kin. Nakangisi siya habang niluluwagan ang neck tie. "You'll know when we get there." Simpleng sagot niya.

His vague answers bothered me.

I know he's up to something grand. But I just let him be. Hindi rin naman siya magsasalita kahit pilitin ko siya.

Pagkarating namin sa hotel ay nakahanda na ang hilera ng bagahe. Binilang ko ang mga 'yun. Napasinghap ako ng matapos ang aking pagbibilang.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit napakarami nating baon na gamit?"

Sa bilang ko ay apat na malalaking bagahe ang isinakay ng mga bodyguards niya. Habang may iniabot na dalawang hand carry sa amin ang isa niyang tauhan. Hindi rin ako sigurado kung gamit ko nga ba ang nasa loob ng mga 'yun dahil hindi pamilyar sa'kin ang mga lalagyan.

"We'll go somewhere you'll enjoy. Huwag ka nang makulit, Sam. Hindi kita dadalhin sa lugar na hindi mo magugustuhan."

Inabot niya sa'kin ang isang bag. Hindi ko naman tinangka na buksan 'yun. Mas interesado ako sa pupuntahan naming lugar.

Ito ang unang beses na sasakay ako sa eroplano. Alam kong posibleng sa labas kami ng bansa magtungo, pero sa pagkakaalam ko'y hindi ako nakapag-ayos ng passport.

Tahimik siya sa buong byahe. Habang ang utak ko ay paikot-ikot sa pag-iisip kung saang lugar kami pupunta. Kapag natratraffic kami ay nililingon ko siya. Panay lang siya na nakangisi sa madilim na kalsada. 'Tila ba Masaya siya sa araw na 'to.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang paliparan. Pinagbuksan siya ng bodyguard na nakasunod pala ang sasakyan sa'min.

Pagkababa ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Napansin ko ang ilang tao na napapatingin sa gawi namin. Batid kong ang iba sa'kanila ay nakikilala na si Troy, pero hindi niya pinapansin ang atensyon na binibigay ng iba.

Nagpatuloy kami sa pagpasok hanggang sa may lumapit sa'min lalaki na nakauniporme ng paliparan. "Good evening, Sir! I'm Anton and I'll be assisting you for your flight."

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon