Chapter 13

34.6K 433 27
                                    

CHAPTER 13:

Nagmamadali ako sa paghagilap ng gamit ko. Basta ko na lang dinampot ang nagkalat kong gamit sa kama at ipinasok 'yun sa bag ko. Halos takbuhin ko na ang pagbaba sa hagdanan. Kulang na lang ay talunin ko ang bawat steps ng hagdan. 

Nagtext na si Tita. She's outside waiting for me. May appointment kami sa couturier na gagawa umano ng mga damit ng buong entourage. At kaya ako nagmamadali dahil nakakahiyang malate sa appointment ng isang sikat na fashion designer. 

Agad kong nakita ang sasakyan nila. Hindi na ko nagdalawang isip na buksan ang pintuan ang pumasok sa loob nun. 

"Pasensiya na po kung naghintay kayo ng matagal" 

Paumanhin ko. Hindi ko naman sinasadya na malate, talaga lang marami akong tinapos na school works para hindi ako matambakan dahil sa maghapon akong magiging abala. 

"Okay lang iha" at binigyan ako ng ngiti to assure me it's okay.

"I hate late people" biglang may sumabat sa usapan namin mula sa harapan ng kotse.

Bumungad sa'kin ang nakangising mukha ni Troy. Hindi ko alam na kasama pala siya sa lakad namin ngayon. Halata naman nang-aasar lang siya. 

Binalingan ko si Tita at nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa mga aasikasuhing detalye ngayong araw. 

Sa buong biyahe tinanong lang ako ng tinanong ni Tita kung ano daw ba type kong color motif, flowers, and other wedding related stuffs. Gusto daw niya kasi magkaroon ng personal touch ko yung kasal namin. Mahalaga daw ang kasal sa isang babae kumbaga once in a lifetime experience yun kaya dapat maging memorable at maganda yun.

Kahit papano nararamdaman ko naman na welcome ako sa family nina Mackenzie marahil ay dala na din siguro iyon ng mahabang taon na pagkakakilala nila sa akin.

"Before I only wished for a daughter pero dahil we're only blessed with one child and yun nga si Troy naging pangarap na lang talaga pero now that both of you are getting married meron na akong daughter in your persona Sam, may makakausap na ako when it comes to cooking and fashion." Magiliw na pahayag ni Tita habang bumabyahe kami.

"Ma, you're so dramatic" react naman ni Troy na nakikinig pala sa usapan namin.

"Naku son pagbigyan mo na ako and besides mahirap kayang mabuhay ng for so many years na wala kang kasama kundi dalawang lalaking busy lagi sa kanya kanya nilang passion." Lagi kasing naiiwan si Tita sa bahay nila.

Si Tito Lance laging nasa trabaho which happens to be everywhere in the globe. Marami kasi silang branches ng kompanya sa iba't-ibang parte ng mundo and he has to monitor it every now and then very hands-on daw si Tito sa pamamalakad ng kompanya.

Si Troy naman ay nanirahan sa States for quite a long time at pag bumibisita daw si Tita sa doon kundi laging wala si Troy sa pad niya. Madalas kasi na natatapat na may appointment siya at minsan naman kung magtatagpo sila ay limited lalng ang napupuntahan nila dahil sa oras na hinahabol. 

"Tita wala po yata akong alam sa fashion pero sa cooking po maalam naman po ako kahit papano." 

Namumuhay ako ng mag-isa dito sa Maynila natuto na akong magluto ng iba't ibang putahe para na din sa araw-araw kong kakainin yun nga lang these past few days hindi ako nagluluto kaya laging instant foods ang natitikman ko.

"Don't worry Sam tuturuan kita sa mga ganyan bagay. You should learn from the expert." Natuwa naman ako sa sinabi ni Tita mukhang madami akong aaralin sa tuwing magkikita kami.

"Thank you po." maikling sambit ko.

"Honey don't thank me. After all kami nga ang dapat magpasalamat sayo coz our family owes you so much for agreeing to be part of this circus." 

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now