Chapter 32

4.5K 75 7
                                    

CHAPTER 32

Hours ago, I was so determined on talking to Troy. Halos hindi ko na nga mapagkasya sa utak ko ang gusto kong sabihin sa'kanya. Thoughts of our relationship flooded my mind and I can't seem to stop thinking about him.

But right now, the only thing that is on my mind is worry.

Mag-aalas dose na ng gabi pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita. Normal naman na ang gabihin siya lalo kung manggagaling siya sa trabaho. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ako mapakali. Lalo pa at sabi ni Manong na inihatid niya sa isang bar si Troy.

I know Manong insisted on waiting for him, pero mapilit daw si Troy na magpaiwan. Agad din daw silang aalis dun dala ang sasakyan ng taong kikitain niya doon. Kaya napapayag niya si Manong.

"Hindi mo pa rin ba matawagan, Iha?"

Tumigil ako sa pag-iisip sa tanong ni Manang. I tried several times to call him but it's futile. Puro ring lang ang telepono niya. Kahit ang ilang texts ko ay hindi niya sinasagot.

"Hindi pa rin po." Sagot ko, bago bumuntong hininga.

Nakatipon kami sa sala. Si Manang ang nakaupo sa sofa habang si Maria at Mang Domeng ay nasa magkabilang gilid niya at nakahilig sa arm rest ng sofa. Nagsisiksikan sila dun kahit pa may bakante naming upuan. Ako lang ang nakatayo dahil hindi ako mapakali.

Kahit na hindi naman niya naging ugali ang pagpapaalam sa'kin sa tuwing may lakad siya, gusto ko pa rin makasigurado na hindi siya mapapahamak.

It was past 12 when I received a call.

Buong akala ko ay si Troy ang tumatawag, pero nagulat ako ng Makita ang pangalan ni Ivan sa aking telepono. Kunot noo kong sinagot ang tawag niya.

"Ivan?"

It's very unusual for him to call me at this holy hour. Not unless it's something really important.

"Samantha.."his voice sounded so agitated and....tipsy at the same time.

"May problema ba?"

I heard him sigh from the other line. Medyo natagalan siya sa pagsagot kaya muli kong tinawag ang pangalan niya.

"Malaki.Troy's with us and he's fucking.....wasted." his voice drifted at his last word.

Napasinghap ako. Iba't-ibang tanong ang gusto kong ibato sa'kanya pero isa lang ang lumabas sa aking bibig. "Is he alright?" nanginginig pa ang mga labi ko sa tanong kong 'yun.

"I think so." He hummed.

"Bakit magkasama kayo?" tanong ko habang sinesenyasan ni Manong na ihanda ang sasakyan.

"Hindi ako. I was sleeping peacefully when Chrome called me."

"He's with Chrome?" manghang tanong ko.

"You heard me right, Sammy. What do you want me to do? Should I leave him here or you'll pick him up? I can't pick them both."

"Idiot. Of course I'll pick him up. Saan ba 'yan?" narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

After giving me the address, kumuha lang ako ng jacket para ipatong sa manipis na sandong suot ko. Kahit ang pagpapalit ng shorts ay hindi ko na nagawa.

The next thing I knew Manong and I are parking at an open space beside a bistro bar.

"Ang layo naman ng narating ng batang 'yan." Komento ni Manong ng makita ang hinintuan namin.

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon