Chapter 19

25.7K 386 23
                                    

CHAPTER 19:

'Hindi siya dumating' wala sa sariling usal ko sa aking isipan.

Malapit na kong pumasok ng simbahan, pero wala pa din ang Inay. Kahit simpleng pagsilip ay hindi niya nagawa para sa kasal ko. Napangiti na lang ako sa realisasyon kong 'yon. Siguro makakabuti nga ang ganito.

Hindi dapat ako umaasa dahil umpisa palang naman ay imposible na ang hiling ko.

Huminga ako nang malalim at pilit kong itinago ang hapdi sa dibdib ko. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga taong nakapaligid sa'kin. Lahat sila ay abala sa pagsasaayos ng mga huing detalye para sa kasal.

May malaking tela na nakapalibot sa amin ni Marco. Maraming mga media sa paligid at bilin ni Candy na iwasan na makita ako hangga't hindi pa ako nakakapasok ng simbahan. Base sa pagkakaintindi ko ay may coverage contract na pinasok ang agency kaya hangga't maari ay exclusive lang ang mga makakakita sa buong event.

Hindi pa rin ako pormal na naipapakilala sa media, kaya marahil interesado pa sila sa pagkatao ko. May mga kuha kami ni Troy sa tuwing lalabas kami, pero kadalasan ay hindi kita ang mukha ko.

"Ganito ba kahirap ang buhay ni Kuya at kelangan pa natin itago sa telang ito." namamanghang wika ni Marco.

Siya ang maghahatid sa'kin sa altar. Hindi pa nga siya nakakahuma sa laki ng kwarto na tinuluyan namin kagabi bago ang araw na 'to. Nagcheck-in kami sa isa sa hotels nina Troy para mas maging maayos daw ang pagpapahinga namin. Hindi ako kumontra dahil gusto ko rin na maenjoy ng mga kapatid ko ang pagpunta nila sa Maynila.

"Oo masyado silang sikat kaya tampulan ng media."

Si Miakka ang magiging flower girl ko. May mga tao ng nakaalalay sa'kanya para hindi na dumagdag pa sa aasikasuhin ko.

Sa katunayan inalok din ako ni Tito Lance na siya ang maglalakad kasama ko patungo sa altar, pero minabuti kong si Marco na. Gusto kong maging bahagi ang kapatid ko sa pangyayaring ito.

Tumingin ako kay Marco. Nginitian ko siya at inayos ang kanyang kurbata. Ito siguro ang unang beses na makikita kong nakapostura si Marco. Madalas ang uniform at simpleng mga damit lang ang suot niya. Ito ang pinakamagarbong damit na naisuot niya base sa pagkakaalala ko.

"Ang gwapo naman ni Macoy." Puna ko.

Tumawa siya habang napapailing. "Marco naman, Ate. Ang ayos ayos ng damit ko. Hindi babagay ang Macoy."

Tinampal ko siya sa braso. "Oo na po, Marco Joseph dela Vega. Ikaw na ang gwapo sa araw na 'to."

"Namana ko 'yan kay Itay kaya wag ka na kumontra, Ate." Depensa niya.

Nagkatinginan kami. Nakangiti siya sa'kin habang pinagmamasdan ko naman ang mukha niya. Kuhang-kuha niya ang hulma ng mukha ng Itay. Para nga siyang nakakabatang imahe ng Itay.

Naging emosyonal ako doon kaya yumakap ako sa kaniya ng sobrang higpit. Imposible ng makita niya ako na ikasal pero sana ay Masaya siya para sa'kin. Sana ay gabayan niya ko sa bagong landas na tatahakin ko.

Gumanti ng haplos ng likod si Marco. Naramdaman kong maging siya ay nagiging emosyonal na. "Kinakabahan ka ba ate? Huwag ka mag-alala. Hindi ka namin iiwan at tsaka pagkatapos ng araw na ito hindi na lang ako ang lalaki sa buhay mo andyan na si Kuya Troy para alagaan at protektahan ka." wika niya habang hinahagod ang likod ko.

"Correction, tatlo na kayo." pagtatama ko sa kaniya.

"Syempre naman hindi ka iniiwan ng Itay. Baby ka kaya niya." at napatawa kaming dalawa by the thought of our father.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now