Chapter 5

28.7K 468 5
                                    


CHAPTER 5:

Napatingin ako sa braso kong kanina lang ay napuno ng dugo. Hindi ko naman sinisisi si Troy sa nangyare pero hindi ko kontrolado ang iisipin ng ibang tao.

Tita blamed him for the minor accident. Kanina pa siya sinesermunan at hindi ako makasingit para ipagtanggol ang kababata ko.

Distaste is painted across Troy's face. Kanina pa siya walang kibo. Pana'y lang ang pagtanggap niya sa sinasabi ni Tita. Hindi siya nagsasalita o ipinagtatanggol man lang ang sarili. Para bang tanggap niya ang lahat o talagang wala lang siyang pakialam.

"I didn't raise you to hurt woman, Troy. Hindi na kita kilala anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."

Nanglaki ang mata ko ng sapuhin ni Tita ang dibdib niya. Mabilis akong tumayo at lumapit. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. I immediately felt Tita's weight.

"Okay lang po ba kayo?"

Iniupo ko siya sa sofa. "I'm fine, Iha. Pakitawag si Rosa at magpapahatid na ko sa kwarto." Nanghihina na sabi ni Tita.

Sinulyapan ko si Troy na nakatingin sa Mama niya. Alam kong nag-aalala siya sa Mama niya pero bakit hindi man lang siya magsalita. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang kondisyon niya.

Agad akong lumabas at tinawag si Rosa. Magkasabay naming inalalayan si Tita palabas ng kwarto. Pero huminto si Tita bago kami makalabas at hinarap ulit si Troy.

He's watching us leave with his cold and emotionless eyes.

"I don't know how much you love, Cheska. But son, I'm dying to get you back. I want my old son back. I want my baby and I hate that woman for changing you into this monster." Humagugol si Tita kaya agad namin siyang inilayo.

Nakita kong dumaan ang pagkabigla sa mata ni Troy kanina. At kahit kami ni Rosa ay nawalan ng kibo. Dinig na dinig ko ang hapdi sa tinig ni Tita at alam kong narinig at naramdaman 'yun ni Troy.

Sa isang iglap ay nakatulog din si Tita. Marahil ay sobrang pagod na ang nararanasan niya. Hindi kasi birong makita mong magbago ang anak mo.

Minabuti kong umalis na lang imbes na kausapin ulit si Troy.

Hindi pa siguro siya handa para sa ibang tao na manghimasok sa buhay niya.

Palabas palang ako ng kwarto ni Tita ay nakita ko na siyang lumabas sa silid. Nakasaklay siya at 'tila hirap na hirap sa paghakbang.

Balot ng kulay asul na cast ang binti niya. May iilang galos din siya sa kabilang binti at ilan sa braso na hindi ko napansin kanina.

Umubo ako at umayos ng tayo. Hindi ko sadyang kunin ang atensyon niya pero napatingin siya sa'kin. He's now wearing his eyeglasses. Kaya sigurado kong nakikita niya ako ngayon.

Huminga ako nang malalim at binitawan ang mga mata niya. Isinarado ko ang pinto. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya. Hindi ko siya tinitingnan pero alam kong pinagmamasdan niya ko.

Nagkatapat kami. I can feel his warm body beside mine. Hindi ako lumilingon. Ayoko ng maulit ang nangyare kanina.

Ayokong biglain siya.

Ayokong magalit ulit siya sa'kin.

I just want to help. But he doesn't want my help and I'm okay with that.

"I'm sorry." Aniya.

Huminto ako ng hindi pa rin tumitingin. Diretso lang ang tingin ko sa kahabaan ng palapag. May iilang katulong na dumaan pero hindi sila nangialam sa kung anuman pinag-uusapan namin ni Troy.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now