Chapter 9

26.4K 466 9
                                    


Chapter 9

Mabilis kong dinaluhan ang nakahandusay na si Troy.

I never thought this night would end up in a brawl. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko bukod sa takot na baka napuruhan si Troy sa malakas na suntok na ibinigay ni Chrome.

"Oh God, okay ka lang?"

Napangiwi siya sa paghawak ko sa pisnging may tama. "I-I'm fine." Aniya.

Pumihit siya at ambang tatayo pero napadaing siya bigla. "Bakit?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung alin ang sumasakit sa'kanya.

He didn't answer but I saw him gripping his leg. Napasinghap ako. "Masakit 'yung binti mo? Ha? Akala ko okay na 'yan?"

Umiling siya. "I don't know. I think I fell badly on it."

Bumaling siya sa likod ko. Kitang kita ko ang pagkainis at galit sa'kanyang mga mata. I'm almost sure he'll fight back.

Tinulungan ko siya sa pagtayo. Tumayo ako sa harap niya habang hawak ko sa likod ang kaniyang kamay. Hindi naman santo si Troy. Kung hahamunin ulit siya ni Chrome ay tiyak na papatol na siya.

At mas lalong hindi maganda ang kalalabasan noon.

"What's your problem, Chrome?" sigaw ko.

Hawak siya ni Ivan sa braso habang si Mandy ay nakakapit din sa kabila. Si Roxanne ay nasa gilid nila at pilit na pinakakalma si Chrome.

"You are my problem!" sigaw niya.

Narinig ko ang pagsinghap ng tao sa paligid namin. Kahit ang taong nasa likod ko ay naramdaman ko ang pagkabigla dahil sa sinabi niya.

His eyes are livid. Hindi ko maintindihan ang tinatakbo ng utak niya. Pero bakas na bakas sa kaniyang mukha ang galit. "Bakit pag ibang lalaki kaya mong tingnan ng ganyan? How come you cared for them when all this time I spent my life caring for you?"

Nanglaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na sinasabi niya 'yun sa harap naming lahat. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa bagay na 'yun.

Hindi ako nakapagsalita sa tanong niya. At halos madurog ang puso ko sa sunod niyang tanong.

"Is it because he's richer?" punong-puno ng disgust ang tinig niya.

"Chrome!" sigaw ng isa sa'kanila. Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Dahil kahit nakatitig ako sa'kanya ay 'tila wala akong nakikita. Nabubulag ako sa sakit. Nabubulag ako sa mga katagang binitawan niya.

Pero ang puso ko ay parang dinaganan ng isang bloke ng bato. Sobrang bigat at sakit ng mga salitang sinabi niya.

Unti-unting bumitaw ang kamay ko kay Troy. Nanghihina ako. At hindi ko namalayang may pumatak na palang luha mula sa aking mata.

Mabilis akong nagpunas at mapait na ngumiti sa'kanya.

Kita ko ang pagkagulat sa mata niya. "I didn't expect that to hear from you. Akala ko kilala mo ko, Chrome. Hindi ko inakalang maiisip mo 'yan sa'kin."

Nanginig ang boses ko.

"K-kahit kailan hindi ko inisip na ito lang pala sisira sa'tin. You ruined my expectations and I hate you for that!"

Hinawakan ko ang braso ni Troy. Hindi siya umimik. Pati yata s'ya ay nabigla sa mga nangyari. Hinila ko siya papasok ng apartment. Narinig ko ang protesta ng mga kaibigan ko pero naging bingi ako. Naging manhid ako sa akusasyon na binigay niya.

It hurts. I thought he knew me better but, I was wrong.

"Sam." Narinig ko ang boses ni Troy.

Bumaling ako sa'kanya. Damang dama ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Para ko na kasing pamilya si Chrome. Hindi ko inaakalang makakaya niyang sabihin 'yun sa harap ko.

Substitute Bride (Editing)On viuen les histories. Descobreix ara