Chapter 29

4.9K 82 7
                                    


CHAPTER 29:

Hindi kami naipit sa traffic kaya mabilis kaming nakarating sa orphanage. Nauna akong bumaba ng sasakyan, sumunod naman si Troy at pareho kaming tumungo sa likod ng sasakyan.

Habang hinahakot namin ang mga food packs, lumabas si Sister Ana at sinalubong kaming dalawa.

Agad kong binaba ang hawak ko at niyakap siya. "Maraming salamat at nakabalik ka, Samantha. Matagal ka nang hinihintay ng mga bata." Aniya at kumawala sa yakapan namin.

"Ngayon lang po ako naging libre sa dami ng ginagawa. Miss na miss ko na rin po ang mga bata."

"Naiintindihan ko, Anak. Nakatipon na sila sa bulwagan sa second floor. Halos lahat ay maagang gumising dahil darating daw ang Ate Sam nila." Bida ni Sister.

Napangiti ako sa sinabi ni Sister.

Umayos sa pagkakatayo si Troy at tahimik na lumapit sa'min. Hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan niya samantalang simpleng puti v-neck shirt at maong pants lang naman ang suot niya. Suot niya ang itim na wayfarer na nagsilbing pangsangga niya sa sikat ng araw.

"May kasama ka pala, Iha." Puna ni Sister.

Nagtanggal ng salamin si Troy at maingat na nagmano sa matanda. Kamangha-manghang hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga kaugaliang Pinoy kahit pa ilang taon siyang namuhay sa Amerika.

"Oo nga po pala. Si Troy po..." napahinto ako at inisip kung itutuloy ko ba ang pagsbing siya ang aking asawa.

"Kawaan ka ng Diyos, Iho. Ikaw ba'y kaibigan nitong si Sam? Ngayon lamang kita nakitang kasama niya."

Sumulyap sa akin si Troy bago muling ibinalik ang tingin kay Sister. Batid kong iniisip niya kung isisiwalat ba niya ang relasyon namin sa matanda. Maging ako ay nag-aalinlangan dahil alam kong masamang magsinungaling, lalo kay Sister na matagal ng nakakakilala sa'kin.

Pero hindi ba't mas magiging masama kung ililihim namin ang aming kasal? Kaya sa huli ay napagdesisyunan kong umamin kay Sister.

"Sister, siya po ang a-asawa ko."

Hindi ako makatingin sa naging reaksyon ni Troy. Nahihiya ako sa kaniyang iisipin. Basta ang focus ko ay nasa mukha ni Sister na halatang nagulat sa aking binalita.

"Susmaryosep kang bata ka! Ako'y binibigla mo sa iyong balita."

"Naging mabilisan lang po ang lahat Sister. Hindi ko na po kayo naimbita. Pasensya na po!"

Sandaling natahimik si Sister pero napansin ko ang pagbagsak ng mata niya sa aking tiyan at tila ba tinitingnan ang kabuuan 'nun. Nanlaki ang mata ko sa posibilidad nang iniisip niya.

"Sister, hindi po ako buntis!"

Pakiramdam ko'y namumula ang buo kong mukha sa naging resulta ng pag-uusap namin. Hindi ko maisip na 'yun ang aakalain niyang dahilan sa mabilisan naming pagpapakasal. Maging si Troy ay nanglaki ang mata sa naisambulat ko.

Humalakhak si Sister sa sinabi ko. Ngumiti siya sa'min at kapwa hinawakan ang aming kamay.

"Gabayan nawa kayo ng Panginoon, mga anak! Halika na at naghihinytay na sila sa'inyo."

Naunang pumasok sa loob si Sister. Naiwanan kaming dalawa ni Troy na parehong hindi nakakibo sa mga nangyare.

"Well, that was awkward." Basag niya sa katahimikan namin.

"Nakakahiya kamo!" protesta ko.

Humalakhak pa siya dala ng mga nasabi ni Sister at sa naging reaksyon ko na rin. Kahit ako ay hindi ko na naiwasang hindi matawa sa sinapit namin. Masyado na yatang nadala si Sister sa mga telenobelang napapanuod nila sa gabi.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now