Chapter 4

34.7K 534 12
                                    


CHAPTER 4:

Hinayaan ako nina Tito na makapag-isip. Binigyan nila ko ng isang linggo para pag-isipan kung kaya ko bang kausapin si Troy. Ngunit, tatlong araw palang simula ng mag-usap kami ay hindi na ko makagalaw ng normal. Nauubos ang oras ko sa kakaisip sa pwedeng mangyari kung kakausapin ko man siya.

I can't even finish the song Chrome and I started. Walang pumapasok sa utak ko. Kahit sa trabaho ay hindi ako napapakinabangan. I ended up breaking dishes and losing a lot from my salary.

Kaya imbes na tuluyan akong mapaalis sa trabaho, napagdesisyunan kong puntahan na siya. I need to appease my mind to keep on going. Maybe, we haven't seen each other for a long time but, I still care for him. I still do and that won't change.

But for now, I have to finish my class and see to it I'm ready to talk to him, a man with a broken heart.

Nagmamadali akong lumabas ng apartment. Alas-nuebe ang una kong klase at meron na lang akong ilang minuto para tumakbo at subukang umabot sa klaseng 'yun. Patawid na ko sa kabilang kalye ng biglang may humarang sa dadaanan ko.

Tumabi ako imbes na tumuloy dahil wala akong balak magpasagasa ngayong araw. Nakita kong bumukas ang kabilang pintuan. Iniluwa noon si Chrome na prenteng naglakad paikot sa kotse niya, patungo sa kinatatayuan ko.

What is he doing here? Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Iniiwasan ko siya hangga't maari. Gusto ko munang palipasin ang nangyari sa loob ng kwartong 'yun. It may not be a big deal to him but it is for me.

"Ano ginagawa mo dito?"

Binuksan niya ang pintuan ng kotse at sumenyas siyang sumakay ako. Now that I think about it, hindi talaga pwedeng maging normal lang kami sa isa't-isa lalo at alam kong may iba siyang dahilan sa mga ginagawa niya.

At ang masama sa nangyayare ay pati ibang tao ay nadadamay sa issues ko.

Tahimik akong sumakay para hindi na kami magtagal. Hindi rin naman kasi siya titigil hangga't hindi ako sumusunod sa gusto niya. At kung gagawin ko 'yun ay mag-aaway lang kami.

He started the car without saying a single word to me. Minsan naiisip ko kung paano ko ba natatagalan ang pagiging masungit niya. Pero narerealize ko rin, it's part of his nature. He's not Chrome if he's not moody and grumpy. And as his friend, I have to understand his every mood swing.

"Again, what are you doing here, Chrome?" tanong ko ulit dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko kanina.

Masyadong malayo ang bahay nila para sabihing on the way lang siya. And I doubt kung yun ang sasabihin niya.

Namahinga sa bintana ang isang braso niya habang nakahawak sa manubela ang isa. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa daan habang naglalaro ang daliri niya sa ibabaw ng kaniyang labi.

And I get it. He's hot but he's a pain in the ass. Mahirap na.

"I'm here to try and get you to speak to me. I know you're avoiding me, Sam. I can feel it so don't deny it." Aniya ng tuluyan siyang magsalita.

"You are thinking too much. Hindi kita iniiwasan at lalong hindi ako magpapaapekto sa nangyare." Sabi ko.

"Then let's get back to being normal. Stop ditching our gigs!" gigil na sabi niya.

Ngumiwi ako. Totoong ilang araw na kong hindi umaattend sa gigs namin sa bar pero hindi 'yung dahil sa'kanya. I need time to think kaya minabuti kong hindi muna umattend 'dun.

"Well, you got it all wrong, Chrome. Hindi dahil sayo kung bakit hindi ako nagpupunta sa bar. It's because of Troy and I need to think so quit it. Stop over thinking about everything."

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon