Chapter 16

27K 400 22
                                    

CHAPTER 16:

"It's getting cold out here." 

Naupo siya sa tabi ko at pasimple akong inabutan ng manipis na kumot. Kakatapos lang namin maghapunan. Iniwanan ko silang dalawa ni Macoy na magiliw na nag-uusap tungkol sa mga kalokohan nila noong mga bata kami. 

Madalas silang magkalaro noon dahil wala naman ibag kasalamuhang bata si Troy kundi ang pamilya namin. Karamihan sa mga tao dito ay iwas sa pamilya nila dahil nga sa mataas nilang estado sa buhay. Pero kaming mga kasama nila sa bahay ay kuhang-kuha ang kababaang loob ng pamilya nila. Hindi nga nahirapan makisama si Troy sa aming magkakapatid kahit pa anak kami ng katulong nila. 

"Ang sarap mabuhay ng simple sa probinsya." pahayag ko habang nakatitig sa dagat na iniilawan ng buwan. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik na ang kapaligiran. Hindi tulad sa Maynila, maagang natatapos ang araw sa probinsya. Alas-siyete palang ng gabi ay bihira ka ng makakakita ng tao na pakalat-kalat sa daanan. 

"Yeah, I kinda love it here. I love the beach!" aniya. 

Ngumiti ako ng hindi tumitingin sa'kanya. "I used to love the beach. Pero noon 'yun, Troy." 

Kita ko sa gilid ng aking mata ang biglaang paglingon niya. Alam kong nagtataka siya sa sinabi ko. Hindi naman niya alam ang nangyari noon at naiintindihan ko kung nagtataka siya. 

"Ayoko na sa tubig dahil ito ang kumuha sa buhay ng taong buong buhay ay walang ginawa kundi ang mahalin lamang ako." mapait akong napangiti nang maalala ang mga pangyayari. 


[Flashback (5 years ago)]

"Samantha, huwag kang lalayo at malakas ang alon ng dagat!" narinig kong sigaw ng Inay sa akin.

"Opo sa may pampang lang kami!" sigaw ko pabalik. Tumakbo na ako kasama ang mga kababata ko. Masaya kaming naglalaro sa buhanginan. Bumubuo kami ng mga sand castles at ang iba naman ay nililibing sa buhangin ang mga kalalakihan. 

Tipikal na araw lamang para sa'ming mga bata. 

"Sam, tara maglangoy tayo." aya sa akin ng mga kasama ko.

"Ha? Sabi ng Inay huwag daw ako lalangoy at malakas ang alon baka maaksidente tayo."

"Hindi yan diba magaling ka naman lumangoy? Tara na." nag-isip pa ako kung sasama ba ako o hindi pero dahil sa pambubuyo nila sa akin napapayag din nila akong sumama.

Noong una okay naman ang lahat masaya kaming nagtatampisaw sa tubig nag babasaan at naghahabulan sa languyan.

"Samantha!" si Itay mukhang kararating lang niya mula sa trabaho. Umahon ako sa tubig at tumatakbong lumapit sa kaniya.

"Mano po Itay." inabot ko ang kamay niya at nagmano doon. 

"Kaawaan ka ng diyos anak, Malakas ang alon huwag kang lalayo." muling paalala niya.

"Huwag kang mag-alala Tay magaling yata akong lumangoy." at tumawa pa ko sa kaniya.

Pinitik naman niya ang ilong ko."Ikaw talagang bata ka, sige papasok muna ko at makapagpalit maya-maya umahon na kayo."

Tumakbo ulit ako pabalik sa dagat at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Nakalipas ang ilang oras kokonti na lang kami dito nagsi uwian na yung iba dahil padilim na at palubog ang araw. Medyo malayo na kami sa pampang pero dahil nga sanay kaming lumangoy kahit malakas ang alon kaya namin.

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon