Chapter 23

24.4K 340 18
                                    

CHAPTER 23:

Nagpatuloy ay paglilibot namin sa kabuuan ng Santorini. Walang nagsalita sa'min tungkol sa ginawang paghalik ni Troy sa pisngi ko. Kahit pa nagmukha akong estatwa sa Greece matapos kaming kuhanan ng larawan. 

Tinawanan niya pa ako at bahagyang tinukso. Noon ko narealize na walang malisya sa'kanya ang ginawa niyang paghalik sa'kin. Maybe it was something he often does with his peers. Nalungkot naman ako sa naisip kong 'yun. 

Pero imbes na magpadala sa aking nararamdaman, minabuti kong ienjoy na lamang ang araw na kasama siya. 

Sunod kaming nagtungo sa Tram Station sa tuktok na bahagi ng Santorini. Sumakay kami doon pababa kung saan naghihintay samin ang sasakyan ni Troy. 

Kitang kita mula sa cable car na aming sinasakyan ang kabuuan ng Santorini. Nagsisimula ng ilawan ang mga bahayan sa aming paanan. At may iilang nagpapalipad ng lanterns sa kabilang panig. 

Talaga namang labis ang kagandahan na napapamalas mula sa kinatatayuan namin. 

Nilingon ko si Troy na nakamasid rin pala sa kagandahan ng buong lugar. 

"This place is magical at night." aniya. 

"Hindi lang basta maganda, kundi parang paraiso kung ako ang tatanungin." 

Hinawi ko ang aking buhok kasabay ng pagbagsak ng tuluyan ng araw. 

"I'd love to go back here someday and explore every tourist spot possible without worrying about other people." aniya. 

Ngumiti ako. Alam kong may kakayanan pa siyang makabalik muli dito at gawin ang sinasabi niyang pangarap niya. Hindi lamang ako sigurado kung kasama ako sa plano niya. Dahil wala namang kasiguraduhan ang mayroon kami. 

I'm his temporary replacement.

I'm just his substitute bride. 

"Of course, you can do that. You only live once, Troy. Do everything that you want and that makes you happy. Go back next year or the following year. Hindi ka naman mauubusan ng pera at panahon para maging masaya ka naman." biro ko pa.  

Humalukipkip siya at tiningnan ako gamit ang mapanuri niyang mga mata.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Will you go back here with me, Sam?" aniya.

Nanlamig ang buo kong katawan sa kaniyang katanungan. Para akong nasalang sa isang quiz show at kailangan kong sumagot ng tama. Kaya lamang,  Ano nga ba ang tamang sagot sa tanong niya? 

Ayoko ang umuusbong na pag-asa sa dibdib ko. Masasaktan lamang ako pag pinagpatuloy ko ang aking nararamdaman. Mahirap maging parte ng isang sitwasyon na ganito kakomplikado, pero paano ko nga ba 'to pipigilan? 

Tumuwid ako mula sa pagkakatayo at mariin siyang tiningnan. Naghihintay siya nang kasagutan mula sa'kin. At bilang isang taong gusto siyang maligaya, sumagot ako sa isang tanong na hindi ko sigurado kung panalo ba ako o talo. 

Isang sagot na balang araw ay babalikan ko bilang isang alaala na lamang. 

I smiled, trying to hide what I really feel inside. "Of course, I'll come with you, Troy." he smiled. 

Ginulo niya ang buhok ko bago ako muling akbayan. "Stay with me, Sam." he whispered while looking the beauty of Santorini. 

Ngumiti ako ng hindi man lamang siya tinitingnan. 

"I'll be in your life as long as you want me to." 

I felt him kiss my head as we both ended our day together, in a tram, with nothing but good memories embedded inside our minds.   

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now