Chapter 14

32.6K 427 25
                                    

CHAPTER 14:

Abala ang mga tao sa paligid sa pagseset-up ng mga gagamitin para sa pre-nup photoshoot. May ilang nagkakabit ng mga artificial flowers sa isang arko habang ang ilan ay palipat-lipat nang paglalagay ng mga upuan.

Everyone's busy and here I am watching them scramble around the area.

Kinakabahan ako sa gagawin namin. Pakiramdam ko kasi ay magkakamali ako sa mga iuutos nila sa'kin.

Troy mentioned about this photo shoot yesterday, before dropping me off the apartment. Sabi naman niya ay magiging madali lang ang lahat, pero hindi pa rin kasi ako sanay sa mga kaganapan tulad nito.

"Come on, Sam." Sumulpot sa gilid ko si Troy.

He's been busy too. Simula nang dumating kami ay kaliwa't kanan na ang kinakausap niya. Sabi niya ay hintayin ko siya sa isang tabi habang abala siya.

Tumango ako. Nilagpasan namin ang ilang grupo ng tauhan na nag-aayos. Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng ilaw at salamin. Sa isang sulok ay nakita ko ang tambak ng damit na mukhang gagamitin namin mamaya.

Lumapit sa'min ang isang petite na babae. "Charlie this is Sam, my fiancée. Take care of her."

"Yes, Sir. Ms. Sam maupo na po kayo."

Sumunod ako at naupo sa harap ng isang salamin. Nilingon ko si Troy.

"I'll be good here. Magprepare ka na rin."

"Okay, I'll be back in 20."

Tumango ako at tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Nagsimula si Charlie sa pag-aayos sa'kin. Marami siyang inilatag na gamit sa pagmamake-up sa aking harapan. Halos mapuno ang lamesa sa harap ng salamin sa dami ng brush at make up kit na inilatag niya.

"Gagamitin mo lahat 'yan?" wala sa loob na tanong ko.

Ngumiti siya. "No, Mam. Hindi niyo naman po kailangan ng makapal na make-up. Icocover ko lang po yung under eye discoloration niyo at kaunting blush on lang."

Napangiwi ako sa pagiging pormal niya. Under-eye discoloration. Sana ay sinabi na lang niya ang salitang eye bags.

Tumagal lang ng halos kalahating oras ang pag-aayos sa akin. Bahagyang kulot lang ang ginawa sa dulo ng buhok ko at tulad ng sabi ni Charlie, bahagyang make up lang rin ang inilagay sa mukha ko.

Gayunpaman, malaki ang pinagbago ng itsura ko matapos ang lahat ng pag-aayos sa'kin. Naging maaliwalas ang mukha ko at naging prominente ang ilang facial features ko. MAging ang aking mga mata ay natulungan ng kaunting eye shadow at eye liner.

Now I get it when they say, make up improves someone's features when used moderately.

Tamang-tama ang kombinasyon.

"Tapos na tayo, Mam. Kailangan niyo na magbihis para sa shoot." Aniya.

  Iniabotniya sakin ang isang above the knee dress na may sakura floral prints salaylayan.  Nagustuhan ko agad ang damit. Hindi gaanong maikli at hindi naman sobrang haba. Tamang-tama lang para sa tipo ko. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now