Chapter 17

20.1K 198 8
                                    

CHAPTER 17:

"I told Marco about our wedding." 

Tumigil ako sa paghuhugas ng plato sa sinabi ni Troy. Alanganin siyang nakatingin sakin habang nakasandal sa isang upuan. Hindi ko alam na may balak pala siyang unahin ang kapatid ko. Sa pagkakaintindi ko'y sabay namin kakausapin ang buo kong pamilya. 

Nagpunas ako ng kamay bago ko siya hinarap. "Anong sabi niya? Hindi niya nabanggit sa'kin kanina nang magkita kami." 

He swallowed hard. Napangiwi ako sa klase ng emosyon na pinakikita niya. Para siyang hindi mapakali sa kinatatayuan niya.

"He made me do 100 push ups before we sleep last night. And made me swear not to hurt you in writing." naiiling na pahayag niya. 

"No he didn't!" 

Tumango siya. "Yes he did, Sam." natawa ako.

"If only you can see how serious he was when said to me those threatening words, you'll probably won't believe it as well. But I don't intend to hurt you, so he doesn't have to worry about it." 

Tinikom ko ang bibig ko at pinakatitigan siya. The way he said those last words, it seems he's really serious about our wedding. Parang hindi dahil sa pagtakbo ng fiance niya ang ugat ng kasal namin. Just for once, gusto kong maniwala na totoo ang kung anong meron kami. 

Pero lolokohin ko lang ang sarili ko pag naniwala ako. Mainam pa na habang maaga ay ipukpok ko na sa utak ko ang katotohanan na dapat kong paniwalaan. 

Humalukipkip siya. Bahagya akong nilingon habang nakangisi. Agad na napawi ang ngisi niya nang makita ang mariing pagkakatitig ko. 

"Okay ka lang?" 

Tumango ako. Ngumiti ako at tinapik ang braso niya na parang magkaibigang nagbibiruan. "I'm fine. Marco can be a little protective sometimes. Pagpasensyahan mo na. Pagsasabihan ko mamaya."

Bumalik ako sa paghuhugas ng pinggan. Hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko kaya muli akong lumingon sa'kanya. 

"Bakit?"

Tumayo siya nang maayos at tinapik ang ulo ko. "Don't bother. He's like a brother to me, Sam. And I know he's doing his best to protect your whole family. Hindi masama ang ginawa niya dahil kapatid ka niya."

Lumabas siya at iniwanan akong nakatanga sa papalayo niyang likod. 

Nang matapos ako sa paglilinis ng mga pinagkainan, sumunod na ako sa kanila sa labas. Nakaupo silang lahat sa ilalim ng puno ng mangga. Magiliw na sumasayaw si Miakka sa saliw ng tugtog ng gitara ni Marco. Tuwang-tuwa ako na makita na nakangiti at nagkakasiyahan ang mga kapatid ko. 

Sa kabilang dulo ng upuang kawayan ay si Troy na nakangiting nanunuod sa mga kapatid ko. 

He's all smile. Like the same old Troy that I knew. 

Nilibot ko ang paningin ko ng hindi ko makita si Inay. Imposibleng nasa loob siya ng bahay dahil wala akong kasama noong lumabas ako. 

Agad kong tinanong si Marco. "Nasaan ang Inay?" 

Tumigil sila sa pagtatawanan at nilingon ako. Nakita kong tumayo si Miakka. Lumapit siya kay Troy at naglalambing na naupo sa hita niya. 

"May ibibigay lang daw siya sa kapit-bahay. Babalik din 'yun, Ate." 

Sumali na ako sa kumpulan nilang tatlo. Ilang beses kaming nagtawanan sa tuwing hihirit si Miakka ng mga inosenteng tanong niya na mata naming mga nakatatanda ay nakakatuwa. Napapailing tuloy siya sa tuwing hindi maintindihan kung bakit kami natatawa. 

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon