Chapter 25

27.5K 378 17
                                    

CHAPTER 25:

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa nga sumisikat ang araw nang magpasya akong bumangon na at ipagpatuloy ang naudlot kong pagsusulat kagabi.

After dinner Troy and I spent hours talking and catching up. Hindi ko nga namalayan na halos inabot kami ng dalawang oras sa pag-uusap lamang. Ang ending, kinulang ako ng oras para tapusin ang natitira kong write up.

Nang sinubukan ko naman na magsimula ulit ay hindi naman ako makakuha ng tamang momentum. I need the perfect rhythm when I'm writing. Hindi kasi madaling pumiga na mga words na babagay sa topic. Ayoko namang pilitin dahil alam kong mas mapapatagal lamang ang proseso.

So 15 minutes before 12 midnight nang magdesisyon ako na matulog. It's the right thing to do para hindi maging sabaw ang ginagawa ko.

Troy and I sleeps on separate rooms. It's his idea, actually. Sabi niya, "I know we're married, but I still want you to have your personal space."

I thanked him for that.

Kahit naman nagkatabi at nagkasama na kami ng ilang gabi ng magpunta kami sa Greece, gusto ko pa rin na ganitong set up. Although, no one knows about this, except for our house helpers.

As far as I know, kinausap sila ni Troy para hindi magsumbong kay Tita dahil ang gusto nga ng Mama niya ay magsama kami sa kwarto. She wants to make sure that our marriage whether staged or not, will last a lifetime.

Isa si Tita sa naniniwalang ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao. I want to agree with her. But I also know our case is different. At some point, we'll separate and live our own lives.... away from each other's touch.

I went downstairs to pick up some coffee.

Madilim pa ang buong bahay. Sabagay, sino nga naman ang matinong tao ang gigising ng ganitong oras. It's barely 3 o'clock in the morning and I should still be sleeping if not for my papers.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina bago nagtungo sa cupboard para kumuha ng stocks ng coffee beans. Apparently, hindi uso kay Troy ang 3-in-1 coffee mix. Kinailangan kong matuto gumamit ng coffee grinder and coffee machine para lang makainom ng kape.

He also trained Maria for this kind of stuff. Hindi kasi siya nakakaalis ng bahay ng wala ang paborito niyang timpla ng kape. Madalas kasi ay hindi kami nag-aabot sa umaga dahil mas maaga siyang umaalis kaysa sa'kin.

Pero sa lagay ko ay aabutan ko siya ngayong umaga.

Pagkasalang ko sa coffee maker ay pumanik ulit ako. Imbes na sa library ay balak kong sa sala na lang magsulat. Nakaantok kasi ang ilaw doon kahit pa good for the eyes daw sabi nung interior designer.

Hinagilap ko ang nakapatong kong mga papel sa lamesa. Mas manipis na ito kaysa sa sinimulan ko, pero batid kong magtatagal pa rin talaga ako sa paggawa nito.

Palabas na sana ako nang mapansin ko ang laptop ni Chrome. I sighed heavily. Hindi ko pa rin nakakausap si Chrome at wala pa siyand ideya sa nangyareng aksidente. Binibitbit ko na rin 'yun sa pagbabaka sakali na umandar na siya sa pagkakataong ito.

I settled on the sala floor. Nilapag ko ang lahat ng gamit ko sa center table tapos ay nilatag ko sa sahig ang ilang unan.

Sumimsim ako sa kape ko bago sinimulan ang pagbabasa.

It was two hours after I started when I finished writing everything. Pakiramdam ko ay wala na kong kamay sa dami ng sinulat, pero kailangan ko pang itype at iprint ang mga ito bago ko tuluyang masabi na tapos na nga.

Noon ko hinagilap ang sirang laptop. Ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa at para akong tanga na dinasalan 'yun. 

"Lord maging computer technician ka kahit for 4 hours lang. Please." bulong ko sa hangin. 

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon