Chapter 21

27.8K 411 17
                                    


CHAPTER 21:

Lumabas na siya ng banyo suot-suot ang damit na pinili ko para sa'kanya. Bumagay sa'kanya ang napili ko pero nang bumaba sa crotch area niya ang paningin ko, napailing ako at pakiramdam ko'y namula ang mukha ko.

Tinernuhan niya ng puting Stan Smith ang kaswal na damit na 'yun.

Napailing ako sa kasimplehan ng suot niya. Hindi makatarungan na sa simpleng damit niya ay kakaiba pa rin ang nagiging dating niya para sa'kin. Kakaibang pa rin ang pagtahip ng puso ko sa tuwing makikita siya.

Hindi ko 'to naramdaman sa'kanya noon, pero habang tumatagal ay nagiging abnormal na ang tibok ng puso ko pag nasa paligid siya.

"Let's go?" aya niya.

Tumayo ako at walang kibo na nauna na sa paglabas.

Sabay kaming naglakad patungo sa elevator. Agad kaming sumakay nang magbukas 'yun. Walang tao sa loob kaya tahimik kaming pumasok. Pinindot niya ang floor bago tumayo sa tabi ko.

"We'll eat at the buffet, then I'll drive us to the capital. Do you have any place in mind that you'd want to visit?" aniya.

Nag-isip ako. Maraming akong nababasa na magagandang lugar sa Santorini. May mga beaches at museum sa paligid pero isang lugar talaga ang gusto kong puntahan dito.

Tiningala ko si Troy. "Caldera. Santorini Caldera. Gusto kong pumunta 'dun." sagot ko.

Tumaas ang kilay niya. He had this amused look on his face. Mukhang hindi siya makapaniwala na sa dami ng pwedeng puntahan ay isang mabatong lugar ang sasabihin ko.

Santorini Caldera is a result of a massive volcanic eruption. Nabasa ko 'yun sa notes ni Chrome nung minsan na tabihan ko siya sa pagbabasa sa library.

"Nabasa ko siya sa mga materials ni Chrome. Gusto ko lang makita ng personal at kuhanan na rin ng litrato."

Dumukot siya sa bulsa ng shorts niya. Inilabas niya dun ang isang maliit ng camera na kung titingnan ay para lamang laruan. Pamilyar ako sa tatak na 'yun. May ganun si Ivan na ginagamit niya sa 'twing nasa labas kami.

"You can use this." Inabot ko ang Go Pro pero binalik ko rin agad.

Kumunot ang noo niya. "Why?"

Napalabi ako. "Hindi ako marunong gumamit niyan. Ikaw na lang gumamit mamaya. Ituturo ko na lang kukuhanan mo."

Napahalakhak siya sa pag-aalinlangan ko. Nilapit niya sa pisngi ko ang kamay niya. Marahan niya kong kinurot habang naiiling. "You're too cute and innocent, Sam. You amaze me everytime you act like that, like a clueless child."

Napanguso ako. "Hindi ako bata."

"Of course, you're not." tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Nauna siyang humakbang palabas. Nilingon niya ko at nginitian. "You're not a child, 'coz you're my wife." he winked and left me dumbfounded inside the elevator.

My wife. I felt my heart flutter like a crazy butterfly.

Damn it, I'm screwed!

********

Pagkatapos kumain ay nagpakuha na ng sasakyan si Troy sa mga tauhan sa hotel. Napag-alaman kong stockholder sila sa hotel kaya naman pala kilalang kilala na siya ng mga tao. Kulang na lang ay luhuran siya ng tao dito at halikan sa paa.

"I don't like it when they scramble just because I'm asking something." aniya.

"Of course, matataranta sila. You're one of the owners and they need to please you."

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now