Chapter 11

27.4K 480 13
                                    

CHAPTER 11:

Tulala ako habang tinitingnan ang libro. Isang oras na ko sa parehong pahina pero hindi pa rin ako umuusad. I've been distracted the entire day. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan ko ang naging desisyon ko.

Chrome and I are still not in speaking terms.

Kapag nasa loob kami ng isang kwarto paniguradong may iiwas sa'ming dalawa. For me, it's my desire not to say any hateful words towards him. And for him, probably he's embarrassed for accusing me of such low acts.

Madalas kaming magkatinginan pero walang naglalakas loob na magsalita. Siguro ay may mali rin ako sa nangyare pero hindi ko maintindihan kung bakit lumabas sa bibig niya ang ganung klaseng akusasyon.

Mahal ko si Chrome.

Mahal ko siya bilang kaibigan. At higit akong nasasaktan dahil sa isang kaibigan na inakala kong higit na nakakakilala sa'kin lumabas ang paratang na wala namang katotohanan.

Masakit marinig na mukha akong pera pero mas masakit kung sa mismong kaibigan mo nanggaling. Isang sampal 'yun sa buong pagkatao ko at isang mabigat na dagok sa pagkakaibigan namin.

Kanina pa nag-uusap sa harap ko si Mandy at Roxanne. Hindi ko matandaan kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero panigurado akong paminsan minsan ay tinatanong nila ang opinion ko. Hindi ko lang alam kung tama ba ang mga nagiging sagot ko.

"So how about you, Sam?" ani Mandy.

Nabaling ang atensyon ko sa'kaniya. Nakataas ang kilay niya sa'kin at hinihintay ang sagot ko. I have no idea about anything she's asking me.

I coughed a little and tried to think what to say to her. "Well.." simula ko. Sinusundan nila ko ng tingin.

"I don't know what to say." Pag-amin ko.

"You're not listening, aren't you?" akusa ni Rox habang pinanliliitan ako ng mata.

I scratched my head.

Ngumiti ako nang alanganin at wala sa loob kong kinuha ang card sa loob ng aking bag. Janette gave it to me before I left yesterday. She said it was something I can give to my friends to spare me from explaining.

I just really hope it would do the trick and my friends will get the idea it entails.

Nilapag ko sa lamesang nakapagitan sa'min ang piraso ng papel na 'yun. Pareho nilang sinundan ng tingin ang inilapag ko.

Their brows furrowed and I instantly knew their confused. Mandy grabbed the card and her face instantly contorted upon realizing what it is.

"Oh come on!" aniya bago iabot ang papel kay Rox.

"Like for real, Sam? No joke?"

She's tapping the table in between us as sign of her impatience. Umiling ako. Sumandal ako sa upuan at isa-isang isinarado ang libro sa harapan ko. I can do this later, but I need to do something to avoid their stares. Kahit hindi ako nakatingin sa'kanila ay dama kong matindi ang paninitig na ginagawa nila sa'kin.

"Hindi ako nagbibiro." Sabi ko bago tuluyang mailigpit ang mga libro.

Hinarap ko sila at pareho kong nakita ang pagkalito sa mukha nila. Pumikit ako at inalala ang mga sinabi sa'kin ni Troy.

He kept on assuring me that everything will be all right. And if it doesn't, he'll be waiting for me and we'll both solve the problem until it became all right.

I opened my eyes and gave them the full details. Iniwasan kong banggitin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagpapakasal. Kahit pa paulit-ulit ang pagtatanong nila tungkol sa'kin ay pinilit kong iligaw ang pag-uusap namin.

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon