Chapter 10

29.7K 390 10
                                    


CHAPTER 10:

"I haven't told her because I'm not planning to involve her in this mess, Dad."

Nagkibit-balikat si Tito. "I know. Pero iba ang naiisip ng Mommy at manager mo." Binuksan niya ang drawer at mula doon ay humugot siya ng isang papel. Iniabot niya sa'kin 'yun.

"Read it." Naguguluhan man ako ay agad kong binasa ang nilalaman ng papel.

Hindi ako nagsalita. Binasa kong mabuti ang nilalaman ng papel. Napasinghap ako ng marating ko ang gitnang parte 'nun.

....no modelling talent shall be involved in a scandal that will destroy his/her career as well as the image of the modelling agency.

2.1 SANCTIONS:

In event of non compliance with the clause of this contract, the party involved shall be banned from working with any agency in relation to the modelling industry. Furthermore, he shall also be liable to a penalty of Three Million Dollars ( S3,000,000.00) as a consequence of his failure to adhere with this contract.

The sanction shall be immediately implemented and a formal release paper will be given to the talent.

Pagkatapos ko sa unang pahina ng kontrata ay iinilipat ko sa susunod ang paningin ko. Isang online article at halos mapunit ko ang papel nang mabasa ko ang headline.

Illuminae's modelling gem and business heir Troy Mcintyre involved in a marriage scandal.

Ilang beses ko pang inulit ang nilalaman ng article. Pero hindi ako tinantanan ng mga salitang he cheated at he left her broken. Unti-unting umaahon ang pagkainis sa dibdib ko. Lahat ng nabasa ko'y puno ng kasinungalingan. Ibang-iba ang istorya mula sa bibig ni Troy kaysa sa nilalaman ng artikulong ito. 

"Lumabas na sa media yung tungkol sa kasal mo? At lahat puro kasinungalingan!" gigil na wika ko. 

Tamad na tumango si Troy. "It reached my agency. inalalabas nilang ako ang tumalikod sa'kanya. When in fact I'm the one left in the altar."

"Bakit hindi mo ipaliwanag sakanila? They'll probably understand you. Ikaw ang iniwanan tapos ikaw pa ang kakasuhan dahil sa eskandalo?"

"They want me to pursue with the marriage to cover up the issue. Pero alam mo naman na imposible na 'yun dahil wala na si Cheska." Aniya.

Iniisip kong hindi makatarungan na siya na nga ang naiwanan tapos siya pa ang haharap ng parusa na dapat ang babaeng 'yun ang humarap.

"Hindi ba nila naiintindihan na ikaw ang agrabyado sa nangyare. Bakit ikaw pa ang mapapahamak?"

"Hindi ganun ang laro sa industriya, Sam. They don't care about the truth. Ang gusto nila 'yung makakabuti sa talent at sa agency." Ani Tito.

Nasa kalagitnaan pa kami ng pagdidiskusyon ng biglang bumukas ang nakalock sanang pintuan.

Humahangos na pumasok si Tita at ang isang hindi ko kilalang babae. Matangkad siya at pormal na pormal ang postura.

She looks high and mighty in her coat and dress.

"How dare you lock the door, Lance?" nagpupuyos na sabi ni Tita.

Nagulat ako ng imbes na si Troy at Tito ang kausapin niya ay dumiretso sila sa'kin. Agad na nakalapit sa'kin ang hindi ko kilalang babae. HInigit niya ko patayo at halos magkauntugan kami sa sobrang bilis ng pangyayare.

Pinagmasdan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Candy, Stop harassing her."

Tinagtag ni Troy ang hawak sa'kin ni Candy at mabilis niya kong itinago sa likod niya. Hindi ko namalayan na nakatayo nap ala lahat ng tao sa silid.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now