Chapter 2

45.2K 564 8
                                    

Chapter 2:

Napahikab ako ng makalabas ng pintuan si Mr. Alejo. Ilang beses rin akong napaluha sa sobrang pagpipigil ng hikab ko sa klase niya at halos kumanta na ko sa utak ko malibang lang ako sa pagdaan ng oras.

Dumukmo ako sa lamesa. "Inaantok talaga ko, Mands." Daing ko habang kinukurot ko ang braso ko sa ilalim ng lamesa. Hindi na ko magtataka kung magpapasa ang mga 'yun bukas. Pero hindi naman kasi ako magigising ng basta lang.

"Anong oras ka ba umuwi?" tanong niya habang nakapikit ako.

"I don't know. Basta almost midnight na yata." I slurred with my words. Kasalanan 'to ni Chrome, e. Sa sobrang creepy ng reply niya kagabi ay hindi ko na alam kung anong oras talaga ko nakatulog.

Sumimangot ako nang gumalaw 'yung lamesa, dahilan para mapadilat ako. I saw Mandy fishing for something inside her bag. Pinagmasdan ko lang siya habang sapo ko ng isang braso ang ulo ko. Naglabas siya ng isang puting sobre na kaagad din niyang inabot sa'kin.

Tamad kong inabot 'yun. "Ano 'to." tanong ko.

"Free cups galing kay Kuya. Tara gamitin natin."

Nakita ko ang logo ng isang sikat na coffee shop at sa loob nun ay dalawang coupon.

"Hindi ka papayag na ilibre kita so 'yan na lang gamitin natin. I need some booster too. Nakakaantok si Sir." Humikab rin siya.

Tumango ako at sabay kaming naglakad palabas. May isang oras pa naman kami bago ang susunod naming klase.

Habang pababa kami ng hagdan ay nakasalubong namin si Ivan at Chrome. Silang dalawa ang magkaklase habang kaming dalawa naman ni Mandy ang magkasama. Si Roxanne kasi ay hiwalay ang kursong kinuha kaysa samin.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ivan.

Iwinagayway ko ang sobreng binigay ni Mandy. "Coffee break lang. Sama kayo?" aya ni Mandy sakanila.

Nahuli kong nakatingin si Chrome sa'kin. As usual nakasimangot siya at hindi mo maipinta ang mukha. Tatanda talaga siya ng maaga. Maagang magkakawrinkles at lalaglag ang mukha.

Napangiwi ako ng bigla kong maimagine ang matandang mukha niya. He looks so bad and scary.

"Sam you look constipated." Nagulat ako ng magsalita si Mandy. Nawala na ako sa maayos ng pag-iiisip sa sobrang pag-iimagine. At wala na rin sa harap namin si Chrome at Ivan.

"Okay lang ako. May bigla lang ako naisip. Nasaan 'yung dalawa?" tanong ko.

"God, you really need to wake up. Kanina pa sila nagpaalam dahil may susunod na klase sila." Nauna siyang naglakad na agad ko naman sinundan.

"Oh hindi ko narinig."

"Mukha nga, Samantha. Lumipad na sa intergalactic universe ang utak mo." Asar niya sa'kin na inirapan ko lang.

Naubos ang break namin sa pang-aasar sa'kin ni Mandy tungkol sa pagiging lutang ko. Hindi ko nga namalayan na naubos ko na pala ang frappe na binili namin gamit 'yung coupon niya.

Dumiretso kami papasok sa susunod naming klase. May mga ibinagay na bagong requirements sa'min. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga nang banggitin ni Ms. Lopez 'yung tungkol sa mid-year convention.

"Everyone is required to join the convention. It's an opportunity for you to see a glimpse of what is outside this four cornered room and what lies ahead of your career." Nagpatuloy si Miss sa pag-eexplain pero ang tumatak sa utak ko'y ang babayarang fee at ang katagang compulsory.

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon