Chapter 6

31.3K 445 8
                                    



CHAPTER 6:

Pagkatapos ng gabing 'yun ay nasundan pa ang pagdalaw ko kay Troy. Hangga't kaya kong dumaan sa mansion ay ginagawa ko. Welcome naman daw ako dun sabi ni Tita lalo't nagagawa kong palabasin si Troy ng kwarto.

He's trying to be normal.

Mukha namang hindi na siya depress, pero bakas pa rin ang lungkot sa mata niya sa t'wing mag-iisa siya. Hindi ko naman siya masisi dahil mukhang minahal niya talaga si Cheska. He invested so much emotion on her, yet she left him broken hearted.

"Anong gusto niyong ulam sa lunch?" tanong ni Tita.

Nasa mansion ulit ako ngayon. Wala kaming pasok ngayon dahil bukas na 'yung trip namin. Nagawan ko ng paraan ang pagbabayad sa fees nun kaya kahit papano ay nabawasan ang iniisip kong problema.

Ilang shift din ang kinover ko para magkaroon ako ng extra income. Hindi kasi sakop ng scholarship ko ang mga ibang school activities tulad noon.

"Hindi na po, Tita. Kailangan ko pong umuwi ng maaga. Mag-aayos pa po kasi ako ng gamit para bukas."

Hindi pa ko nakakapag-empake ng gamit na dadalhin ko bukas at kung gagabihin ako dito ay baka hindi ako makapag-ayos ng matino. Marami pa naman kakailanganin sa conference na 'yun dahil tatlong araw kami dun at iba't-ibang activities ang gagawin.

"Saan ka pupunta?"

Liningon ko si Troy nang magsalita siya. Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay nila. Kanina pa kami nagkwekwentuhan at kung hindi pa nagtanong si Tita tungkol sa ulam ay hindi ko mamalayan ang oras.

"May course conference kami sa Baguio. At bukas ang alis namin. Kaya pasensya na po Tita kung maaga ako aalis ngayon."

Umiling si Tita. "Don't be sorry, Iha. I understand. Ipahahatid kita kay Manong Jun." umamba siyang tatawagin ang driver pero nagprotesta na ako.

"'Wag na po, Tita. Malapit lang naman sa school ang apartment ko. May mga dadaanan pa po kasi ako para bukas."

Nagpaalam si Tita at agad na nagtungo sa kusina. Hindi pa rin siya nagpapigil dahil hintayin ko daw siya at pababaunan niya ko ng pagkain. Sumang-ayon na lang ako para hindi na humaba ang pag-uusap naming.

"So you're saying that you won't be here 'til Monday?" tanong ni Troy.

Tumango naman ako.

Aalis kami ng Biyernes ng madaling-araw at paniguradong gabi na ng Lunes kami makakabalik. Ilang linggo na rin kaming nagkakausap ni Troy. Ngayong aalis ako ay mukhang hindi na naman siya lalabas ng kwarto niya.

"Pero sisiguraduhin kong magsusumbong sa'kin si Tita kapag hindi ka na naman lumabas ng kwarto mo." paalala ko sa'kanya.

Ngumisi siya. "Such a pain in the ass." Binato niya sa'kin ang unan na agad ko naman nasalo.

"But you're gonna miss me. Umamin ka na."

"Who told you?" pinagtaasan pa niya ko ng kilay.

I stuck my tongue out. "I just know and woman's intuitions are always right." Lalo siyang natawa dahil alam niyang tama ako.

"Ako lang naman nagtiyatiyaga sa katigasan ng ulo mo, e."

Umiling-iling si Troy at ngumiti sa'kin.

Hindi na rin ako nagtagal at tuluyan na kong umalis ng bahay nila. Pinabaunan pa ko ni Tita ng ilang ulam at pastry na bagong luto lang nila. Nangako ako na babalik rin ako agad, oras na makabalik kami galing sa conference.

Substitute Bride (Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora