Chapter 3

33.1K 466 5
                                    


Chapter 3:

"Let's go, Sam." Tinapik ni Mandy ang balikat ko nang umalis na sa harap si Sir. Medyo naging abala ako sa pagsusulat ng kanta na gagamitin ko sana sa performance ko sa susunod na linggo.

Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit kailangan namin gawin 'to. Samantalang hindi naman kami Arts or Music Major. Buti na lang talaga at kahit papano'y may talent ako sa pagtugtog at pagkanta. Dahil kung hindi ay baka ito pa maging dahilan ng pagbagsak ko.

Sinilip ko ang relo ko. Mag-aalas dos pa lang at masyado pang maaga para sa napag-usapan namin na meeting time ni Tito. Sabi niya'y tatawag na lamang siya kapag nasa loob na sila ng campus.

"I'll stay, Mandy. Mauna ka na." kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Hihintayin ko si Tito Lance para makapag-usap kami." Nakita kong tumango siya. Kilala naman niya si Tito dahil sila lang naman ang may-ari ng eskwelahan at isa sa mga stockholders ang pamilya nina Mandy.

"Okay, I'll get going. Someone's waiting for me, too." Ipinasok niya ang ilang libro sa loob ng bag niya.

"Sino? May bago ka bang manliligaw? Hindi ko yata alam 'yun."

Natatawang umiling siya. "Manliligaw agad. Hindi ba pwedeng si Kuya lang."

"Well, knowing you." Tukso ko.

Inirapan niya ko at pinameywangan pa. "Kaibigan ba talaga kita? Tsk. You're so judgmental. It hurts you know." Umakto pa siyang wari'y nasaktan nga.

Tumawa ako at binato siya ng eraser. "Wow, umaarte ka na ngayon. Hindi bagay!"

Hinawi pa niya ang buhok niya at maarteng tumalikod sa'kin. "I'm meeting up with Jasper and his friends. We'll probably hangout somewhere."

"E manliligaw nga ang kikitain mo."

Mabilis siyang humarap. "Hindi nga! Hay naku Sam ang kulit mo. Baka mag-inom lang kami ng konti."

Napailing ako at mahinang pumalatak. "Maybe I should call Chrome to put a leash on you. You're not sane when you're drunk."

Pinanlisikan pa niya ako ng mata. "Don't you dare. I can handle myself, Sam. Hindi naman ako sosobra ngayon. And besides, Jasper's harmless. He's a friend—a good friend."

At nagwalk-out na siyang tuluyan. Kilala ko naman si Jasper at alam ko rin kung ano ang gagawin nila. Gusto ko noon si Jasper para kay Mandy, pero simula ng magbago siya'y pati pagtingin ko sa ugali niya'y nag-iba na rin.

He changed and I think he became worse.

I sighed. I just really hope I'm wrong.

Nang umalis si Mandy ay sinubukan kong dugtungan ang huling linya na ginawa ko. Paulit-ulit kong binura ang sinulat ko dahil hindi ko makuha ang tamang mensahe na gusto kong iparating.

Gusto ko tuloy itapon ang papel at magsimula ulit. Kulang na kulang sa emosyon 'yung lyrics ko. Parang pilit na pilit talaga ang pagkakagawa ko.

And for someone like me who likes music, not finding any soul or feeling a tinge of emotion in your work is the worst case scenario. It's a piece of trash.

No soul. No heart. No meaning.

In short, tapon lang ang ginawa ko.

Nilamukos ko 'yung papel at padabog na ibinato sa sahig. Napasabunot ako sa buhok ko at pinanggigilan 'yun. Ipinatong ko ang ulo ko sa isa kong braso at paulit-ulit na iniuntog 'yun. Siguro dapat ay h'wag akong maging ambisyosa sa pagkakataon ito.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now