23. Party

347K 2.6K 279
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

Masayang ngiti ang bininigay ko sa mga taong bumabati sa akin. Hanggang ngayon feeling ko lumulutang pa din ako. Alam nyo yung pakiramdam na yun? Yung parang nagtapat ka sa crush mo at nalaman mong crush ka din nya, yun ang nararamdaman ko. So childish pero bakit ba, masaya ako eh.

 

Hinanap ng mga mata ko si King na kausap ang ilang mga business partners nila. Kakarating pa lang kasi namin ay nahila na sya ng mga kaibigan nya. Nakita kong nakatingin sya sa akin kaya hindi ko maiwasang uminit ang pisngi ko dahil sa way ng pagtingin nya sa akin. Kahit late kami sa party ayos lang dahil worth it naman ang pagka-late. Ayos lang naman sa parents namin lalo na nung nakita nilang ayos na kami. Buti nalang din 30 minutes late lang at hindi pa naa-announce ang dahilan ng event na to.

 

“Alone?” sabi ng isang tinig na tumabi sa akin.

 

Napatingin ako sa kanya at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Well, pamilyar talaga sya sa akin.

 

I just gave him a friendly smile. Okay na siguro yun na sagot sa tanong nya.

 

“So, long time no see. Kumusta, Elle?” sabi nya at kumuha ng dalawang glass na wine sa dumaan na waiter, inabot nya sa akin ang isa at ngumiti.

 

“Okay lang naman ako, Kurt, my dear ex.” sabi ko at tumawa.

 

Well, he’s Kurt Tyler, ex ko sya na hindi. Wait, ganito yun, naging kami way back highschool pero kunwari lang dahil isa akong nabubuhay na meaning ng assuming, akala ko pag binoyfriend ko ang isa sa mga close friends nya ay magseselos sya pero hindi naman pala. Buti nalang talaga at medyo close din kami ni Kurt.

 

“Aww, ex daw oh.” sabi nya at medyo namula. May gusto din kasi sya sa akin dati pero as usual binalewala ko yun dahil isa lang talaga ang mahal ko. Nasabi ko na din ba sa inyo na sya ang boyfriend dear ni Marga my bff?

 

Kinurot ko ang pisngi nya kaya mas lalo syang namula. Mannerism ko yata ang mangurot ng pisngi kapag may nakikitang nagba-blush.

-

“Kung nakamamatay lang ang titig, malamang may lamay na sa harap mo ngayon.” bigla nyang sabi kaya napahinto ako sa pagtawa.

 

Wala sa sariling napatingin ako kay King na nasa kabilang table na pala at masama ang tingin sa amin. Bakit kaya ganun ang tingin nya?

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon