44. Heart

267K 2.8K 278
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Life is never been fair. Kaya matuto kang lumaban kahit pa ang panahon o tadhana ang kalaban mo. Kahit star pa sya at lupa ka darating din ang oras at mahuhulog din sya sa sayo, parang falling star lang. May tamang panahon lang dyan.”

 

-Elle’s POV-

 

Halos hindi ako nakatulog dahil sa takot na nararamdaman ko. Tumingin ako sa paligid at tahimik lang. Alas-kwatro na ng umaga ang oras pagkakita ko sa digital clock na nasa side table. Malamig ang buong kwarto kaya nakaramdam ako ng pagkahilo pero kaya ko pa naman.

Tumayo ako at inayos ang suot kong hospital robe. Marahan akong naglakad papalabas ng kwarto ko para hindi ito makagawa ng ingay. Pagkalabas ko ay tahimik ang hallway at walang nurse na nakabantay.

Naglakad ako papunta sa kwarto na gusto kong puntahan. Noong nasa tapat na ako nito ay huminga ako ng malalim. Gising na kaya sya? Hindi pa siguro, sisilipin ko lang kung okay sya at aalis din ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat nalang ako ng makita syang nakatingin sa direksyon ko. Malamig ang mga mata nya at seryoso lang ang mukha nya. Wala man lang bakas ng emosyon sa pagkakakita nya sa akin.

Akmang aalis na ako pero bigla syang nagsalita kaya tumigil ako. “Pumasok ka.” Heto na naman ang matinis nyang boses.

Dahan-dahang naglakad ako papalapit sa kanya pero hindi naman ganoong kalapit. Nakita kong naka-cast yung braso nya kung saan tumama ang bala. Napakalayo sa bituka at hindi ko malaman kung bakit napaka-oa ni King dahil hindi naman sya mamamatay sa daplis ng bala.

Nakatingin sya sa akin at parang may malalim na iniisip. Pinapatay nya na kaya ako sa isip nya? O iniisip nya kung paano ako papatayin ngayon sa harap nya? Nakakapagtaka at hindi sya nagwawala ngayon.

“May gusto ka bang sabihin?” malumanay nyang tanong sa akin pero sa may bintana sya nakatingin. Sumandal ako sa pader ng kwarto nya at humalukipkip.

Huminga ako ng malalim at nag-isip kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. Wala naman kasi talaga akong balak kausapin sya, hindi ko alam sa paa ko at nangating pumunta sya kwarto nya.

“Baliw ka.” bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko. Akala ko mao-offend sya pero nagulat nalang ako ng bigla syang tumawa. Tss, baliw nga.

“I know, Elle. Matagal na. Sobrang baliw ko, baliw na baliw ako kay King pero Elle, mas baliw ka.” sabi nya at nanunuyang ngumiti.

Aba! Kahit nakaratay sya sa hospital bed ay nagagawa pa nyang makapagtaray. Dapat pala tinuluyan ko na to para naman worth it ang galit sa akin ni King.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon