36. Secrets [1]

308K 2.8K 574
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Secrets are not made to be kept forever but to be found out in time.”

 

-Elle’s POV-

 

Nakatulala lang ako sa madilim na kalangitan at damang-dama ko ang lamig ng hangin. Ang sarap din pakinggan ng payapang alon ng dagat. Napakapayapa, sana ganun din ang puso ko.

Naiwan ako sa villa ng mag-isa, bukas na siguro ako aalis. Kailangan ko ng peace of mind. Buti nalang talaga ay hindi na ako umiyak, siguro ay nasanay na akong masaktan. Ganun naman siguro yun di ba, masasanay ka din kapag pa-ulit ulit na.

“Napakalalim naman ng iniisip nitong magandang binibini.”

Naramdaman kong tumabi sya sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko ang kanyang breathtaking smile at ang mukha nyang mala-anghel na medyo badboy.

“Nakita ko pala yung nangyari kanina.” sabi nya kaya napayuko nalang ako. Nakakahiya, nakita pa nya ang katangahan ko.

Nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan.

“Payo lang, wag kang magpalinlang sa mga nakikita mo, minsan kasi iba ang nakikita ng mata sa tunay na nangyayari.”

Napatulala nalang ako hanggang sa di ko namalayan na nakaalis na sya.

Magulo na nga ang buhay ko, mas lalo pa nyang pinagulo.

 

-King’s POV-

 

Nakatulala lang ako sa kawalan habang ang babaeng nasa harap ko ay taimtim na natutulog. Para syang anghel sabi nga ng iba, napakadali pa nyang mahalin. Pero dati yun, ewan ko na ang nangyari ngayon.

“Okay na po sya, Sir. Sobrang stress at kulang lang po sya sa tulog kaya sya hinimatay. Hayaan nyo nalang muna po syang magpahinga.” sabi sa akin nung nurse habang may parang nililista at umalis na.

Tinitigan ko ang napakaamo nyang mukha at hinaplos ko ang malambot nyang pisngi. Bakit kailangan pa tong mangyari sa babaeng mahal ko? Akala nya iiwan sya ng lahat pero ang totoo naman mahal na mahal namin sya.

“King...” bulong nya at hinawakan ang kamay kong nakahaplos sa pisngi nya. Hindi ko napansin na gising na pala sya.

Unti-unting dumilat ang mata nya. “King, hindi mo naman ako iiwan di ba?”

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon