3. Wedding

422K 3.8K 469
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Kalahating buwan ang lumipas. Kung dati kahit sandaling panahon nakikita ko si King, pero simula nung gabi na nag-usap kami kahit anino nya hindi ko man lang nasilayan.

Ngayon, araw na ng kasal namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba dahil sa kanya ako ikakasal o malulungkot dahil ako lang ang masaya.

Pinunasan ko yung papatulo ko palang na luha. Ayoko namang mahirapan si Marga sa pagme-make up sa akin. Oo sya ang make-up artist ko.

I smiled bitterly. Hindi ako sa simbahan ikakasal. Ang dream church wedding ko wala na din. Ayaw akong gastusan ni King. Sino ba naman kasi ako?

Ugh! Nakakainis, bakit ba simula palang ng storya ko ang drama na? Wala ba akong karapatang sumaya?

“Uy Elle! Ang mukhang maganda, wag kang sumimangot dyan baka lalo kang ayawan ni King dahil pumangit na ang bride nya.”

Inirapan ko si Marga habang nire-retouch nya ko. Ilang minuto nalang magiging Mrs. dela Vega na ko... pero hanggang papel lang.

Aish! Kailangan talagang ulit-ulitin Elle? Tino-torture lang ang sarili?

“Hay, Elle kung takot kang matali sa kanya bakit kailangan mo pang ituloy to?” seryosong sabi ni Marga.

Alam kong seryoso talaga sya sa tanong nya dahil minsan lang talaga syang magseryoso.

Ngumiti ako sa kanya pero alam kong hindi yun umabot sa mga mata ko.

“Ginusto ko to kaya paninindigan ko. Eto naman ang matagal ko nang pangarap di ba?”

Umirap sya sa akin. “Ayy oo nga pala. Pangarap mo palang saktan ang sarili mo. Congrats girl, dream come true.”

Napailing nalang ako. Nag-aalala lang naman sya sa akin.

Pero eto na to eh, wala nang atrasan. Mahal ko sya kaya gagawin ko to.

*

I sighed. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ginawa yun.

Nandito na kami sa isang bahay ng kaibigan ng parents ko na magkakasal sa amin. Kanina pa namin hinihintay si King pero hindi pa din sya dumadating.

30 minutes late na sya. Nakakatawa ngang isipin na imbis na sya ang naghihintay para dumating yung bride nya, ako ang naghihintay ngayon.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon