6. Side

401K 3.5K 385
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Luke’s POV-

Nakatingin lang ako kay King na busy sa pag-inom at pakikipaghalikan dun sa babae. Naiisip ko nga minsan kung bestfriend ko ba talaga to. Bakit ba ang pangit ng taste nya sa babae? Mukhang pugita naman ang kalandian nya ngayon.

Mukhang may problema na naman tong lalaking to. Si Elle na naman kaya? Tsk, kung hindi lang talaga mahal na mahal ni Elle si King, matagal ko na sanang kinuha yun sa kanya.

Tiningnan ko yung babae na umiinom pagkatapos ng isang mahabang halikan nila. Kakasuka, parang nanonood lang ako ng live na porn mga dre.

“Miss, pwede bang paki-iwan muna kami ng bestfriend ko. May kailangan lang kaming pag-usapan.” sabi ko dun sa babae tapos kinindatan pa ako.

“Sure Mr. Handsome.” at umalis naman na.

“Anong problema mo ngayon King?” tanong ko nung kami nalang dalawa.

Uminom muna sya bago sumagot. “Ikaw.”

Wow! Ako daw? Ano naman ang pinoproblema nya sa akin? Madalas naman babae ang problema nyan? Hindi kaya type ako ng bestpren ko? Tangina, kadiri lang tong pinag-iisip ko.

“Ano namang problema mo sa akin?”

“Bakit ka pumayag na maka-partner si Hailey? Akala ko ba hindi ka sasali dun? Eh bakit nalaman ko nalang na kasali ka at ang mas malala partner pa ni Hailey?”

Eto na naman kami. Mabubugbog na naman ba ako kagaya dati nung ginel-friend ko si Elle? Ang bato pa sa bato si King eh. Halata naman na may gusto sya dun sa maingay na babae na yun eh. Masyado lang syang na-focus kay Fiona. Isa pa yung babaeng yun.

“Tsk, kung makapagsalita ka para kang boyfriend ni Elle ah. Ano namang problema mo kung maka-partner ko nga si Elle? Mabuti nga ako pumayag na maka-partner sya at hindi katulad mo na tinanggihan sya.”

Binagsak nya yung bote at humarap sa akin. Ang bilis talagang mapikon nito.

“Eto na naman ba tayo? Di ba sabi ko, hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Ayokong gumawa ng move na iisipin nya na nagkakagusto ako sa kanya. Ipinangako ko sa mga magulang nya na poprotektahan ko sya. Hindi ko sya kayang mahalin bilang babae Luke, hanggang kapatid lang talaga. Saka hindi ko kayang mahalin ang babaeng sumira sa taong mahal na mahal ko.”

Hay, talagang dela Vega na to.Sarap suntukin ng malakas ng matauhan. Kapatid? Eh napaka-protective nya pagdating kay Elle. Lahat ng susubukang manligaw kay Elle, nakakatikim ng kamao ni King. Buti nga nakalusot ako at naging girlfriend ko sya, ang masama nga lang muntik na akong mag- 50 50 ng dahil sa kanya.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon