14. Trip [1]

363K 2.7K 65
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

1. Be his wife. (check)

2. Act like his wife. (check)

3. Bond with him. (check)

4. Make a connection with him.

5. Make an unforgettable moment with him.

6. Date him.

7. Make him jealous.

8. Make him say I love you.

 

I closed my notebook and get my bag.

 

Nandito ngayon sa Bora ni King. Naaalala nyo pa siguro nung dinner namin sa bahay nila at bigla tong napag-usapan at sa hindi ko malamang kadahilanan eh pumayag sya na pumunta dito kasama ako.

 

Nag-stay kami sa isang hotel, mag-kaiba ng room. Gusto ko sanang tanungin sya kung bakit sya pumayag na pumunta dito kaso mukhang wala sya sa mood kanina nung nasa biyahe kami.

 

Habang nandito kami, kailangan ko nang gumawa ng move! Gusto kong maging successful yung plan ko.

 

Kaso nga lang, hindi ko alam kung paano magsisimula.

 

*tok* *tok*

 

Napabangon ako bigla nang marinig yung katok na yun. Baka si King yun!

 

Dali-dali kong binuksan ang pinto at halos mapasinghap ako ng makita ko ang oh-so-yummy na si King, wearing a fitted white shirt and beach shorts. Bakit kahit yata basahan ang ipasuot mo sa kanya ang gwapo pa din nya?

 

Nakakunot ang noo nya at nakatingin sa katawan ko.... este sa damit pala.

 

“May problema ba?” tanong ko kasi parang tutunawin na nya yung katawan este damit ko.

 

Umiling sya at tumingin na sa akin. “Let’s eat.”

 

Anong problema nun? Ang ganda ko kaya ngayon, I’m wearing a summer dress na above the knee ang haba tapos naka-bikini ako sa loob. Dapat i-enjoy ko ang Bora no!

 

Habang naglalakad sya at ako naman ay nasa likuran nya, hindi ko maiwasang pagpantasyahan ang likod nya. Grr, baka mamaya iba ang makain ko dito.

 

Binilisan ko nalang din ang lakad baka kasi hindi na ako makapagpigil eh haha.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon