16. Feelings

372K 3.3K 523
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Luke’s POV-

 

Tumalikod ako at naglakad paalis pero bumalik din agad ako sa kanya. Hindi ko sya matiis at ayoko syang makitang nasasaktan.

 

“Oh, anong drama mo naman ngayon?” sabi nya at tumaas pa ang kilay.

 

Pinigilan kong mapangiti sa ginawa nya. She’s really beautiful that I can stare at her all day.

 

“Bumalik ka na sa hotel. Ako na ang bahalang maghanap kay King. Magpahatid ka nalang ng pagkain kung nagugutom ka.” I said seriously.

 

Nag-iba ang timpla ng mukha nya, tanda na hindi sya sang-ayon sa sinabi ko.

 

“Pero---”

 

Agad ko nang pinutol ang sasabihin nya, paniguradong mahabang pagrereklamo ang gagawin nya.

 

“Walang pero, sinabi kong bumalik ka-- period. Ako nang bahala kay King.”

 

Mukhang hindi pa din sya natitinag. Sobrang tigas talaga ng ulo nya.

 

“Ako ang maghahanap sa kanya! Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya! Gusto kong---”

 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang mga salitang ito na lang ang nasabi ko,

 

“Oo gusto mong malaman ang nangyayari sa kanya pero ang tanong gusto nya bang ipaalam sayo? Hindi mo ba nakikita Elle, wala syang pakialam sa nararamdaman mo. Wag ka nang umasa at masasaktan ka lang.”

 

Huli na ang lahat ng ma-realize ko ang lumabas sa bibig ko. Pain is visible in her eyes. Sumobra masyado ang mga nabitawan kong salita.

 

She smiled, bitterly.

 

“Yeah, you’re right. Sige babalik na ko.”

 

Bago sya makatalikod sa akin, I saw a tear fell from her eyes. Gusto ko syang pigilang umalis at mag-sorry pero hindi ko ginawa. Truth hurts, yun ang dapat nyang paniwalaan.

 

Tumalikod ako at pinuntahan ang taong kanina ko pa gustong kausapin at gustong kausapin ng kamao ko.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon