1. King

599K 4.8K 545
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Ako si Hailey Carelle Villegas. They call me Elle. Sa 19 years nang buhay ko isa lang ang minamahal ko at mamahalin ko at yun ay si King Lancer dela Vega.

Tandang-tanda ko pa ang unang salita na sinabi ko sa kanya nung una kaming nagkita, that was 12 years ago.

“I want to marry you, King. I want to be your Queen.”

 

Yeah, it’s really funny. Seven years old palang ako pero ang pagpapakasal na sa kanya ang iniisip ko. Totoo pala talaga ang love at first sight. Pero ang mas nakakatawa ay ang sinabi nya sa akin nung sinabi ko sa kanya yun.

“I don’t want to marry you because you’re ugly and a brat.”

 

Ouch! Unang beses palang namin magkita basted na agad. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Kahit saang school sinusundan ko sya. Lahat din ng mga babaeng lumalapit sa kanya inaaway ko. Hindi ako obsess, nagmamahal lang.

Ngayon, nalaman ko na may girlfriend na sya at sobrang mahal nya. Babaero sya kaya sobrang sakit isipin na may totoo na syang mahal.

Ang sama ko ba kung sasabihin ko sa inyo na sinira ko ang buhay ng taong mahal nya? Kayang paikutin ng pera ang mundo at kayang bilhin nito ang lahat. Ginawa ko ang lahat para iwanan nang babaeng yun si King. Oo ako na selfish. Ayos lang na wag nya akong mahalin basta walang makakakuha sa kanya kung hindi lang naman ako yun.

Kilala nyo ba kung sino ang babaeng yun? Si Fiona Lee, my bestfriend or ex-bestfriend. Alam nyang mahal ko si King noon palang pero anong ginawa nya, inahas nya ang mahal ko. Wala syang kwentang kaibigan. She deserved all those shits.

“Hey Elle, hinay-hinay lang sa pag-inom. Akala ko ba kaya tayo nandito sa bar ay para manmanan si King? Hindi ang magpakalasing.”

Ibinaba ko ang baso ko at hinarap ang natitira kong bestfriend, si Margarette Perez. Lahat ng babae galit sa akin dahil lahat sila inaaway ko. Gwapo at hot kasi si King kaya lahat nagkakagusto sa kanya except nalang kay Marga na may boyfriend naman.

“You’re right, Marga. Naaalala ko na naman kasi yung ahas na Fiona na yun.”

She smirked. “Sabi ko na sayo, hindi na talaga maganda ang kutob ko sa babaeng yun.-- Oh my bff tingnan mo si King, tumumba na sa kalasingan.”

Agad naman akong napalingon sa tinuro ni Marga. Nakita ko naman si King na nakadukmo na sa counter dahil sa kalasingan. Masyado yata akong space out kaya hindi ko napansin na madami na syang naiinom.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon