20. Dreams

367K 3.1K 313
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

“Wag ka ngang umiyak. Ang pangit-pangit mo.”

 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng sinabi nya yun. Wala na akong matawagan na iba. Ayoko namang istorbohin ulit si RC dahil alam kong napagod sya sa pagsama sa akin kanina kaya eto nauwi ako kay Luke.

 

Hindi ako mapalagay at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kaya gusto ko nang may makausap. Matapos ko sa kanyang sabihin lahat, seryoso lang yung mukha nya tapos yun lang pala ang sasabihin nya.

 

“Nakakainis ka talaga, Lucas.” inis na sabi ko tapos pinunasan yung pisngi ko na puro luha.

 

Nagulat ako ng may bigla sya idinutdot sa mukha ko, panyo pala. Tss, kailangan talagang isubsob sa mukha ko yun?

 

“Hindi ko talaga lubos ma-isip kung bakit mo iniiyakan ng ganyan si King. Hindi hamak na mas gwapo at mabait ako, di ba?” sabi nya na parang awang-awa sa itsura ko.

 

Habang nagke-kwento kasi ako sa kanya hindi ko maiwasang umiyak. Lalo na dun sa puntong nanghihingi sya ng chance. Nakakagago kasi eh. Alam mo yung feeling na kung kelan gusto ko nang sumuko saka sya babalik tapos ano pag hindi ko na kaya ulit bumitaw, iiwan nya ulit ako? Leche!

 

“So, anong gusto mong iparating, Lucas?” mataray na tanong ko. Pero kahit ganyan naman sya, hindi nya pa din ako iniwan at nakakagaan ng loob na nandyan lang sya sa tabi ko.

 

Biglang sumeryoso yung mukha nya kaya napakunot-noo ako.

 

“Gusto kong iparating? Na sana hindi nalang si King, na sana ako nalang.” sobrang seryosong sabi nya na talagang kinilabutan ako.

 

“Lucas!! Hahahaha, nakakatawa ka talaga! Oo na sige na tatawa na ko. Tama na yang biro mo.” sabi ko habang tumatawa ng peke at pinapalo-palo pa sya. Kaso napahinto ako ng hindi sya tumawa.

 

Don’t tell me....

 

Maniniwala na sana ako ng bigla syang tumawa. Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag nung tumawa na sya.

 

“Sana nakita mo kanina ang itsura mo, Elle. Epic oh!”

 

Napailing nalang ako at napasandal sa couch. Pumikit ako at nagsisi ako na ginawa ko pa yun dahil yung mukha nya lang ang nakikita ko at yung mga mata nyang may halo-halong emosyon na hindi ko mabasa.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon