11. Flashback

388K 3K 183
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Hay..” I sighed again for the nth time.

 

Two weeks na naman ang lumipas. As usual, ganun pa din. Cold pa din sya pero hot din at the same time. Okay, ang gulo ko na. Wala namang nagbago except sa hindi natuloy ang pageant sa hindi ko malamang dahilan. Masaya at na-disappoint ako nun, masaya kasi sembreak na at disappointed kasi hindi ko makakasayaw si King.

 

Si King? Ayun hindi ko alam, ang aga-aga umalis. Excited pa naman akong gumising kasi wala nang pasok at matagal ko na syang makakasama pero sabi ko nga dati pa, what do you expect, si Kung yun eh.

 

Kakatapos ko lang kumain, 11pm na pero wala pa din sya. Nagbabasa ako ng magazines habang hinihintay sya. Bukas lang ako ng bukas nun hanggang sa mapadpad ako sa isang section na tungkol sa mga weddings.

 

Napahinto ako dun at napatitig. Tuwing nakakakita ako ng ganito, parang gusto kong umiyak. Naiingit ako sa kanila. Feeling ko maiiyak na naman ako ng biglang makarinig ako ng malakas na pag-doorbell.

 

Imposibleng si King to kasi may susi sya dito. Pagbukas ko ay laking gulat ko ng may malaking taong dumagan sa akin kaya napabagsak kami sa sahig.

 

Amoy palang, alam ko na kung sino ito. Bahagya ko syang tinulak para makabangon ako, ang bigat nya grabe. Amoy alak sya kaya paniguradong lasing sya.. o hindi?

 

“K-king!” tawag ko sa kanya. Namumungay ang mata nya at may pasa din sya at medyo may dugo yung labi nya.

 

Agad ko syang nilapitan at tiningan ang sugat nya.

 

“King? Anong nangyari sayo?” alalang tanong ko sa kanya pero tinabig lang nya ang kamay ko. Masakit.

 


“Wag mo kong hawakan.” sabi nya at ti-nry nyang tumayo pero pasuray-suray pa sya.

 

Bakit ngayon nya pa naisipin na magsungit? E halata naman sa itsura nya ngayon na kailangan nya ang tulong ko. Kahit ngayon lang, kalimutan nya ang sobrang taas nyang ego.

 

Tinitigan ko lang sya habang naglalakad papuntang kwarto nya pero bigla syang natumba. Agad ko sya nilapitan at inalalayan.

 

Tatabigin nya sana ulit ang kamay ko pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya.

 

“Pwede ba King? Kahit ngayon lang kalimutan mo yang ego mo at galit mo sa akin. Kailangan mo ang tulong ko. Don’t deny that.”

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon