32. Kiss

337K 3.3K 412
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“It’s hard to forget when memories are pulling you back.”

 

-Elle’s POV-

 

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at parang nahihirapan akong huminga.

Napalingon kami sa labas ng makarinig kami ng pagkatok at nakita ko si Mang Rely. Ibinaba ni King ang bintana para makausap si Mang Rely ng ayos.

“Sir, nandyan na ho si Mr. Fuentes.”

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mang Rely. Ibig sabihin ay tapos na ang usapan namin ni King at hindi na sya makakapagtanong pa sa akin. Alam kong marami pang araw ang pagsasamahan namin at pwedeng sa mga panahon na yun ay magkaroon sya ng pagkakataon pero mas okay na din yun para mas makapaghanda pa ako.

“Let’s go.” baling nya sa akin at parang hindi maipinta ang mukha nya. Mukha syang galit na nalilito. Galit ba sya dahil anak ni Luke si Luis? Hanggang ngayon talaga ang hirap pa din nyang basahin.

Nauna syang lumabas at maglakad. Samantalang ako nandito sa likuran nya at sumusunod sa kanya.

Mataas ang sikat ng araw pero nawawala ang init dahil sa lakas ng hangin na nanggagaling sa dagat. Na-miss ko tuloy ang maglakad sa dalampasigan at parang gusto ko ding mag-swimming. Ayain ko kaya si King? Ugh, nevermind at baka kung ano pa ang isipin nun.

“Hey! What are you doing?” sigaw ni King sa akin na nasa malayo na. Napahinto pala ako at napatitig sa dagat. Hay, tuwing kasama ko sya lagi nalang akong parang wala sa sarili.

“Ayan na!” sabi ko at sumunod na sa kanya na nauna na ulit maglakad.

Pagkadating namin sa isang may kalakihang resthouse ay nadatnan namin ang isang lalaking sobrang gwapo. Kahit mukha syang hindi marunong ngumiti parang naging asset nya ang pagiging seryoso, hindi ko tuloy napigilang mapatulala sa mukha nya buti nalang talaga nag-‘ehem’ si King kung di baka naglaway na ko sa harap nya.

“Don’t stare at him like that.” bulong nya sa akin at hinarap si Mr. Fuentes.

“I’m Kyden Fuentes, the owner of Villa de Fuentes.” sabi nya kay King at nakipag-shakehands dito. So sya pala yung may-ari ng Villa at parang napakabata nya pa para humawak ng ganitong kalaking project ah.

“Nice to meet you, Mr. Fuentes, I’m King dela Vega.” sabi naman ni King at aba hindi man lang ako pinakilala.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon