38. Listen

298K 3.1K 552
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Quote from the last chapter: “@TaeminKai: Some things cannot be mended by reasons and I’m sure na after that long time na cold yung dalawa ay meron at merong nasira at nawala sa relationship nila.”

                      

-Elle’s POV-

 

“Hey Elle, stop crying. He’s not worth your tears. Baka sa kagaganyan mo, kahit madaling araw na ay babalik ako dyan sa Cebu. Agad-agad akong kukuha ng ticket pabalik dyan.”

I heaved a sigh. Saka pinunasan ang luha ko na patuloy lang sa pagtulo. Kakauwi ko lang at buti nalang ay hinatid ako ni Kyden, may dapat din kasi syang puntahan malapit dito. Sakto naman na tumawag si Marga na ngayon ay nasa Japan dahil kailangan daw nyang kausapin ang dad nya tungkol sa business nila.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari at syempre sermon ang inabot ko sa kanya. Na kailan ba daw ako magsasawa sa kakahabol sa taong may hinahabol din? Hindi lang nya alam na ilang beses ko na din yang tinanong sa sarili ko at aabutin yata ako ng habang buhay para masagot yun.

“Hindi na ko iiyak.” mahina kong sabi at alam kong hanggang nguso lang iyon. Sasabihin kong hindi ako iiyak pero pag nakita ko na naman sya para automatic na tutulo yun.

Pinipilit kong magsawa na at umayaw. Marami na ngang nagagalit sa akin dahil sa ka-martyran ko dahil ang tapang-tapang ko sa ibang bagay pero pagdating sa kanya wala na. Ang weak ko talaga pag pag-ibig na ang usapan. Sino namang hindi di ba? Kung mahal mo naman talaga ang isang tao di ba?

“Elle, kapag umiyak ka ulit sisiguraduhin ko talagang makakauwi ako dyan para alugin ka at magising katotohanan.” sabi nya at nakarinig pa ako ng ingay galing sa gate namin sa labas.

“Marg, bababa ko na at mukhang may kumakatok sa gate namin baka mga bata na naman na nakalusot sa guard, magpahinga ka na.” sabi ko at narinig ko naman ang pagtunog ng sasakyan nya bago nya pinatay.

Agad naman akong tumayo para silipin kung sino ang nasa labas. Nagdala ako ng pepper spray para kung sakaling masamang tao yun ay may armas ako sa kanya.

“Sino yan?” tanong ko at bigla nalang huminto ang pagkatok sa gate namin. Sino naman to at pupunta dito ng ganito ka-aga?! Madaling araw palang! Kailangan ko din ng pahinga.

Papasok na sana ako ng bigla nalang kumalabog ulit kaya binuksan ko na at inihanda ang sarili ko kung masamang tao ang makakaharap ko. Masakit na ang puso ko at ayokong madagdagan ng sakit sa katawan.

Pagkabukas ko nito ay parang biglang huminto ang buong paligid at biglang umihip ang malamig na hangin. Hindi ko maigalaw ang kamay ko na may hawak ng pepper spray. Di ba kailangan ko to dahil masamang tao ang nasa harap ko? Magnanakaw na sya, murderer pa. Ninakaw nya ang puso ko at unti-unti nyang pinapatay.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon