43. Sign

270K 2.7K 206
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“You can clutch the past so tightly to your chest that it leaves your arms too full to embrace the present.”

 

-King’s POV-

 

Natulala ako sa kanya at bigla akong napaatras nang bigla nya akong paghahampasin. Wala akong nagawa kundi tingnan sya at sapuhin ang maliliit nyang kamay.

“Bad ka! Bad ka! Sakit mo Mamu Elle! Ba-- Ahhhhhhh!”

Nagwala sya habang buhat-buhat ni Luke. Tiningnan ko lang sila habang pinapasok ni Luke yung batang hindi pa din tumitigil sa pagsigaw.

“Stop it, Duke. Pag ako nabingi sa sigaw mo, madaming iiyak.” narinig kong sabi nya sa bata bago tuluyang nakapasok.

Napailing nalang ako at humarap ulit sa... sa.. I sighed. Parang ang hirap tanggapin, ang sakit. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa dami kong nalaman pero isa lang talaga ang nangingibabaw dun at yun yung sakit.

Naalala ko kanina yung bata. Duke pala ang pangalan nya. Napailing ako nang bigla kong maalala ang sarili ko sa kanya. That was 16 years ago, yun yung panahon na aampunin palang ako ng magulang ko ngayon. Seven years old palang ako nun pero tandang-tanda ko pa ang bawat pangyayari noon.

flashback

 

“Ipapagiba na ho namin ang ampunan na ito. Sya nalang ho ang natitirang bata dito. Masyadong matigas ang ulo nya, ayaw umalis sa puntod na yan.”

 

Narinig ko ang sabi ng isang malaking lalaki dun sa magandang babae at sa nakakatakot na lalaki. Napatingin yung babae sa akin. May binulong sya dun sa malaking lalaki at lumapit sya papunta sa akin.

 

Takot, natatakot ako. Baka ilayo nya ako sa kaibigan ko. Ayoko, di ko sya iiwan. Nag-promise ako sa kanya.

 

Iniharang ko ang kamay ko at prinotektahan ang kaibigan ko.

 

She smiled at me. Para syang angel pero hindi ako sasama sa kanya. “Let’s go, King. I will protect you, baby. Ako ang magiging mommy mo.”

 

Umiling ako. No, I don’t want to.

 

Pero nagulat nalang ako ng may biglang kumarga sa akin. Yung nakakatakot na lalaki, ayokong sumama sa kanya. Nagpumiglas ako pero wala akong nagawa. Unti-unting nawala sa paningin ko ang kaibigan ko. Wala na sya, naiwan ko sya.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon