40. Grief

270K 2.4K 433
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“@TaeminKai: It's not a 'give and take' situation, sa panahon ngayon no one will make a way for you, you'll have to make it for yourself.”

 

-Elle’s POV-

 

Dinilat ko ang mga mata ko at ang tanging nakita ko lang ay ang puting kisame. Agad akong napabangon ng maalala ang nangyari kanina. Napasapo ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo.

“Elle!”

Napalingon ako kay Luke na nag-aalalang lumapit sa akin. Nginitian ko sya ng mapait.

“Kung makapag-alala ka naman parang ako yung nabaril. Ano nga palang nangyari?” sabi ko at pakiramdam ko ay para akong lumulutang. Hindi ko alam pero wala akong nararamdaman. Parang may hindi magandang mangyayari.

Huminga sya ng malalim at parang na-offend ko pa yata sa sinabi ko. Parang nagising ako sa katotohanan at nakaramdam ng guilt. Masyado ko yatang binunton ang mga problema ko kay Luke. Sya na nga lang ang nasa tabi ko tapos inaaway ko pa.

“Kinausap ko na yung mga pulis kanina at sinabi kong medyo may sira sa utak yang si Fiona at self-defense lang ang ginawa mo. Iimbestigahan nalang daw nila ang pangyayari. Okay na si Fiona nagpapahinga na sya at...” nag-aalinlangan pa sya sa susunod nyang sasabihin at parang gusto ko syang batukan dahil sinabi pa nya yun sa akin. “..nasa labas si King.”

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Bakit? Bakit parang natatakot akong makaharap sya ngayon?

Hinawakan ni Luke ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata, para ang daming gustong sabihin nun pero puno sya ng pag-aalinlangan. Pero bakit?

“Elle, gusto kitang protektahan sa kanya pero siguro nga lahat ng bagay may hangganan. Pero eto tandaan mo, when love is real it finds a way.

Napapikit ako ng dinampian nya ng halik ang noo ko. Pag ginagawa nya yun ay parang gumagaan ang loob ko. Nanatili akong nakapikit at parang hindi ko kayang idilat ang mata ko. Hinihiling ko na sana bawiin ni Luke ang sinabi nya at wag nya akong iwan. Natatakot ako.. sobra.

Narinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng pinto. Pakiramdam ko ay mas lalong lumamig sa paligid.

“Open your eyes, Hailey.” kasing-lamig ng pakiramdam ko ang boses nya. Ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Unti-unti kong minulat ang mata ko at kasabay nito ang pagtulo ng isang butil na luha sa mata ko. Kitang-kita ko ang walang kaemo-emosyon nyang mukha.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon