30. Luke

339K 2.8K 435
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“We’re not friends. we’re not enemies but we are strangers that have memories.”

 

-Elle’s POV-

 

“Tell me please, anak ko ba si Luis?”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Alam kong itatanong nya ito sa akin pero nakakagulat din pala na sa kanya na mismo nanggaling.

“King...”

Pero mas lalo akong nagulat ng biglang nagdilim ang paligid at...

...

*krrriiiiiingg*

Bigla akong napabangon sa kama at ramdam ko ang init sa buong katawan ko, idagdag pa na pawis na pawis ako. Isang panaginip... makapanindig-balahibong panaginip.

Pinatay ko ang alarm clock na nasa tabi ko na patuloy pa din na nag-iingay. Nakatulog pala ako kagabi sa sobrang kakaisip ko kay King at dahil din dun napanaginipan ko pa sya. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko ng maalala ang panaginip ko. Pumikit ako at sumandal sa headboard ng kama para pakalmahin ang sarili ko. Memories of the past rush into my head.

Agad kong binalewala iyon at bumangon na. Kailangan ko nang maghanda dahil susunduin na ni Luke si Luis para sa monthly check-up nito. Bigla ko ding naalala na ngayon pala kami aalis ni King para pumunta sa site ng new project namin. Oh God help me..

“Mommy!” nagulat ako ng biglang tumakbo papasok ng kwarto ko si Luis. Naka-panjama pa ito at magulo pa ang buhok, halatang bagong gising palang. Kasunod nya si Luke na may malawak na ngiti.

“Hey baby Luis! Ang aga mo naman yata ngayon ha, Luke?” tanong ko sa kanya sabay karga kay Luis.

“Gusto ko lang i-check ka baka kasi tumalon ka na dahil sa nangyari kahapon at wala nang mag-aalaga dito sa anak ko.” biro nya at mas lalong ginulo ang buhok ni Luis.

Inirapan ko sya at pabirong binato ng unan sa tabi ko. “Loko, sabi nga nila magbiro na sa lasing wag lang sa bagong gising at bago pa kita palayasin dyan, umalis ka na sa harap ko at lutuan mo nalang kami ng breakfast ng baby ko.”

Bumangon ako at binaba si Luis para maglakad-lakad at para na din makapag-ayos ako. Ang galing ko lang talaga, humarap ako kay Luke na napakagulo ng buhok at sobrang iksi ng suot.

“Sure, sexy. Let’s go kiddo, kitchen muna tayo.” sabi nya at kumindat pa bago lumabas ng kwarto kasama si Luis. Tingnan mo yun parang araw-araw hindi ako nakikitang ganito.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon