24. Paradise

349K 2.6K 231
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

2 weeks later...

 

Nagkapasok na ulit pero I decided na huminto na. Basta, para sa ikabubuti din ng lahat. Siguro?

 

Dumilat ako at bumungad sa akin ang mukha nya na mahimbing na natutulog. Maliwanag na sa labas pero bakit nandito pa sya? Hindi ba may pasok sya ngayon?

 

Pero imbes na gisingin sya, napagdesisyunan kong titigan ang perpekto nyang mukha. Ang mukha ng lalaking hinding-hindi ko malilimutan. Hinaplos ko ang nakapikit nyang mata at ang buhok nya na medyo humaba na. Hanggang sa dumapo ang mga daliri ko sa mapupula nyang labi.

 

Ramdam ko ang kirot sa puso ko at hindi ko napigilan ang luha na lumabas na mata ko. Agad ko tong pinunasan at hinawakan ang mga pisngi nya.

 

Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko na nakahaplos doon.

 

Nakita ko ang pagdilat ng mata nya at ang nakakaloko nyang ngiti habang hawak-hawak ang kamay ko na hindi pa din naaalis sa pisngi nya.

 

“Good morning, baby. Enjoying the view, eh?” sabi nya at hindi nawawala ang nakakalokong ngiti sa labi nya na kay sarap halikan.

 

I can feel myself blushing dahil sa mga pinag-iiisip ko. Kay aga-aga pero kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, hindi na ba ako nakuntento sa ginawa namin kagabi?

 

“You’re blushing. Gusto mong ulitin ang ginawa natin last night. Mukhang masarap na breakfast at magandang exercise yun ngayong umaga.” sabi nya at lalong mas lumawak ang ngiti.

 

“Ugghh! Nakakainis ka! Bumangon ko na nga, may pasok ka pa.” sabi ko at tumayo. Good thing, nakapagbihis na ako kanina.

 

“Ayoko. Friday naman na.” parang batang sabi nya. Mukha syang ewan at hindi rin bagay pero cute pa din sya.

 

“King!” untag ko pero hindi pa din sya natinag kaya sumuko na ko. Kapag talaga may gusto sya, kailangan nyang makuha kaya wala na talaga akong magagawa.

 

“Hay, bahala ka.” sabi ko at lumabas na ng kwarto para magluto.

 

Magsisimula na sana akong mag-ayos ng lulutuin ko kaso nagulat ako ng bigla syang sumulpot sa kusina. Hindi man lang nag-abalang magsuot ng pang-taas kaya umagang-umaga iba talaga ang naiisip ko.

We're Married (Published)Место, где живут истории. Откройте их для себя