45. Misery

258K 2.7K 235
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Elle?!” nag-echo ang boses ni Luke sa buong kwarto ko. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa sobrang lakas nito.

Nagising ako kanina at as usual, nakaratay pa din ako dito sa hospital bed. Hinimatay pala ako kanina at buti nalang ay nakita agad ako ng isang nurse.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko. Alam kong mali ako at nag-aalala lang sya sa akin kaya ayoko nang lumaban pa.

“Ilang araw mo nang hindi iniinom ang gamot mo?” mahinahon nyang sagot pero alam kong nagtitimpi lang sya sa akin.

Mas lalo akong napangiwi dahil sa tanong nya. Hindi ko na matandaan ang huling beses kong pag-inom.

“Two weeks?” nag-aalangan kong sagot. Basta ang alam ko ay simula ito ng dumating si King pero hindi ko na iyon sasabihin sa kanya dahil paniguradong mas malalagot ako sa kanya at ayoko na ding madamay si King dito.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang nya tanda na galit na sya. Pero pinigilan nya iyon at umupo sa kama ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Huminga sya ng malalim bago magsalita. Lumambot ang mga mata nya at marahang pinisil ang kamay ko.

“Bakit mo ba to ginagawa sa sarili mo, Elle? Hindi ka pa tuluyang magaling dahil sa sakit mo. Tapos mas pinapabayaan mo pa ang sarili mo. Hindi mo ba naiisip yung mga tao sa paligid mo? Si Luis, iyak ng iyak dahil nag-aalala sya sayo. Si RC, kahit may trabaho, pabalik-balik dito para tingnan ka. Si Marga, oras-oras tumatawag para i-check ka. Ganyan ka ba ka-selfish? Alam mo bang takot na takot ako kanina nung tumawag sa akin yung doctor at sinabi yung nangyari sayo. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit ikaw pa ang pwedeng makakuha ng sakit na yan? Natatakot ako na baka isang araw..” huminto sya at nakita ko ang munting likido na lumalabas sa mga mata nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at pinahid ang luha sa pisngi nya. Ang sakit isipin na nasasaktan ko sila ng hindi ko man lang napapansin. Napapabayaan ko pa ang sarili ko sa kakaisip kay King. Sobra-sobra na ba yung pagmamahal ko sa kanya na dumating na sa puntong pati yung ibang mahal ko nahihirapan na?

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya. Pinikit nya ang mga mata nya at parang ninanamnam nya ang bawat sandali. Minsan, tinatanong ko to sa sarili ko, bakit hindi si Luke nalang? Bakit mas minahal ko pa yung taong ayaw sa akin?

Pero siguro ganun talaga ang pagmamahal, hindi mo alam kung kanino ka tatamaan.

-King’s POV-

 

Nakatulala ako sa dalawang taong nasa harap ko. Para akong tangang lalaki na nakakita ng pagtataksil ng mahal nya. Ang pinagkaiba lang, hindi sya nagtataksil dahil ako ang may kasalanan kung bakit nangyari to.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon