21. Chance

353K 2.7K 396
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

Ilang araw na ang lumilipas, hanggang ngayon gulong-gulo pa din ako. Oo, nangingibabaw pa din ang kagustuhan kong balikan sya at mahalin ulit gaya ng ginagawa ko dati kaso natatakot na ko sa posibleng mangyari. Sanay na akong masaktan pero nakakatakot din pala kung iisipin kong masasaktan na naman ulit ako. Masyado na ding marami ang nasasaktan ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at nakakakonsyensya na din.

 

“Iha, ayos ka lang ba?”

 

Napalingon ako kaagad sa matandang babae na tumabi sa akin. Nandito ako ngayon sa park. Maraming tao, maingay at puro masasaya. Naisipan ko lang mag-moment dito para panira ng atmosphere.

 

“Hindi ho. Hinding-hindi.” sabi ko at humarap sa mga batang nagsisitakbuhan papuntang bilihan ng cotton candy.

 

Narinig ko syang bumuntong-hininga. Si Lola may pinanghuhugutan yata, nage-emote din yata sya.

 

“Ang mga kabataan talaga ngayon. Masyadong nagpapadala sa bugso ng kanilang damdamin. Na parang sa konting sakit lang, susuko agad sila.”

 

Napatingin ulit ako sa kanya at nagulat ako sa sinabi nya. Anong gusto nyang iparating?

 

Umiling-iling ito at ngumiti ng malungkot. “Tama ako hindi ba? Ang pag-ibig ay isang napakalaking laro iha, maraming pwedeng sumali, maraming pwedeng makisawsaw. Kung hindi ka magfo-focus sa gusto mo at lagi mong pinapansin ang mga bitag at mga kalaban mo, matatalo at matatalo ka. Isa din itong napakalaking pelikula, maraming pwedeng mangyari, may mga dumadating na panira at hindi mo alam na ang mga akala mong kakampi ay sya pa ang sumisira sa buhay mo pero isa lang ang sinisigurado ko, ang mga bida ay nagpapa-api sa simula pero sa huli sila na ang reyna.”

 

Pagkatapos nya iyong sabihin ay naglakad sya papaalis at ako naman ay naiwan na tulala. Sino ba yun? Saang baul nya nahugot yung mga salitang yun?

 

-King’s POV-

 

“Sino bang mahal mo? Si Elle o si Fiona?”

 

Napahigpit ang kamay ko sa basong hawak ko. Napatingin ako kay Kurt, one of my friends, nakangiti sya sa akin na parang tuwang-tuwa sa kalagayan ko.

 

Hindi ko mahal si Hailey. Yes, I care for her but love.. never.

 

“Si Fiona, kailangan pa bang ulit-ulitin yang tanong na yan sa akin? Shit lang pre, tigilan mo na ko.” sabi ko at binato sa kanya yung basong hawak ko buti nalang nasalo nya. Sayang hindi pa nabasag sa mukha nya.

 

“Shit ka din pre, pero bakit may pahingi-hingi ka pa ng chance dyan? Hindi mo ba naisip na masasaktan mo si Elle pag nalaman nya ang totoo?”

 

Napakunot ang noo ko. Anong totoo? Simple lang, hindi nya dapat ako hiwalayan dahil kailangan sila ng pamilya ko. Kung nasira na nya dati ang relasyon ko kay Fiona, hindi ko na hahayaan na pati pamilya ko sisirain nya.

 

“Bahala na. Bahala na talaga.”

 

-Luke’s POV-

 

Habang naglalakad ako sa park na malapit sa condo ko, nakita ko si Elle. Anong ginagawa nya dito ? Mukhang tulala pa.

 

Lalapitan ko sana sya ng may kumalabit sa aking matandang babae.

 

Ngumiti sya kaya ngumiti din ako. Baka may gusto lang itanong. Bago pa ako makapagsalita ay nagulat na lang ako sa mga sumunod na sinabi nya.

 

“Hindi mo alam na ang mga akala mong kakampi ay sya pa ang sumisira sa buhay mo, hindi ba tama ako iho?”

 

Hindi ko alam pero nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon