34. Pain

328K 3.3K 608
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Decisions are the hardest moves to make. Especially when it’s a choice between what you want and what is right.”

 

-Elle’s POV-

 

Dalawang araw na ang lumipas simula nung nangyari yung ‘nakakabaliw’ scene na yun. Nakakapagtaka nga dahil sa loob ng dalawang araw na yun ay parang lagi akong sinusungitan ni King. Sa tuwing kakausapin ko naman sya ay hindi nya ako pinapansin o kaya naman bigla syang may iuutos sa akin.

“OMG! Ayan na si Sir dela Vega.”

Narinig ko ang impit na tili ng mga kasama ko at ito ay sign na nandito na si King. Biglang tumahik ang mga tao na nasa lobby at lahat ay napatingin sa lalaking naglalakad papuntang elevator.

Eto na ang pagkakataon ko. Hinintay ko talagang dumating sya para makapag-usap kami. Ewan ko ba sa sarili ko at hindi ko matiis na hindi nya ako kinakausap kahit alam ko naman na mas maganda yun para hindi na ako mapalapit sa kanya.

Kunwari ay hindi ko sya napansin at naglakad papuntang elevator. Konti nalang din ang tao doon dahil late na kaya sakto ay kaming dalawa lang ang sumakay ng elevator.

Napatingin sya sa akin kaya nginitian ko sya pero nagsalubong lang ang mga kilay nya.

“Good morning, Sir!” bati ko sa kanya na may halong pang-aasar pero hindi nya pa din ako pinapansin.

“Ano ba talagang problema mo at hindi mo ako pinapansin?” inis na sabi ko dahil kahit tingnan ko sya ng masama ay hindi pa din sya umiimik at hindi man lang tumitingin sa akin.

“You’re late.” maikili nyang sabi at wala man lang kaemo-emosyon. Sa haba ng tanong ko yan lang ang sinagot nya? Sa tamis ng ngiti ko, sya naman sing-pait ng ampalaya ang itsura. Nakakapuno talaga sya!

“Hindi ka pa din talaga nagbabago. Ang hilig mo pa ding saktan ako.” bulong ko. Hindi ko alam kung narinig nya iyon pero siguro narinig nya kasi ang tahimik namin.

Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa floor namin. Mukhang parehas pa kami ng papunta sa office ni Mr. Velasco.

“Good morning, Mr. dela Vega and Ms. Villegas.” bati sa amin nung secretary ni Mr. Velasco at pinapasok na kami.

Wala pa ding imikan hanggang sa pinapasok kami. Nagulat ako ng makita ko doon si Kyden. Akala ko ba bukas pa kami mag-uusap tungkol dun sa project?

“Good morning Mr. dela Vega.” pormal na bati nya kay King na tinugon naman nito ng tango tapos humarap sya sa akin at ngumiti. “Good morning, Hailey.” sabi nya at hinalikan ang ilalim ng palad ko.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon