42. Tomb

268K 2.8K 467
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Sometimes we are meant to fall in love with someone we shouldn’t love, or break up with someone we shouldn’t break up with.”

                   

-Luke’s POV-

 

“W-why?” ang tanging salitang lumabas sa bibig nya.

 

Kita ko ang gulat sa mga mata nya. Kahit galit ako sa kanya at kahit gaano pa sya kagago ay hindi ko pa din maiwasang makadama ng pagkaawa sa kanya. Ama din ako at alam ko ang pakiramdam na ipagkait sayo ang karapatang malaman na may anak ka pala. Mahirap, masakit, basta hindi madaling ipaliwanag. Ang masakit pa ay makikita mo ang anak mo na puntod nalang.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Nanatiling nakatitig lang sya sa isang bato na nakasulat ang pangalan ng anak nya at kung saan din ito nahihimlay ng payapa. Siguro ito na ang oras para magsimula ako.

“Four years ago, it was my engagement party. I was so fucked up that time. Nakabuntis ako ng hindi ko alam kung paano at pakiramdam ko dumadating na lahat ng karma ko sa lahat ng ginawa kong paglalaro.”

Napatingin sya sa akin habang nagsasalita ako pero agad na binalik ang tingin sa puntod ni Prince. Sumandal ako sa puno at tumingin sa makulimlim na langit. Ang hirap palang balikan nang lahat.. pero kailangan nyang malaman to. Kailangan na tong matapos bago pa mahuli ang lahat, hangga’t kaya pa ni Elle.

“Umamin ako kay Elle. Lahat ng kagaguhan na ginawa ko sa inyo pati na kay Fiona. Akala ko magmamatigas pa sya at ipaglalaban ka pa nya. Pero nagulat ako nung sabihin nya na ayaw nyang maranasan ng anak ang karma sa lahat din ng kasalanan nya kaya nag-give way sya sa inyo ni Fiona. Kahit gusto ko ang desisyon nya ay parang gusto ko syang alugin dahil sa sobrang katangahan nya.”

Lumakas ang ihip ng hangin. Napapikit ako nang dumampi sa balat ko ang lamig nito. Rumehistro sa isip ko ang mukha ni Elle na nahihirapan at umiiyak, konti nalang Elle mapapalitan na yan ng ngiti, pangako.

“Akala ko okay na, na lumayo sya pero hindi pala. Pumunta sya dito sa Cebu at pagkatapos ng isang buwan ay lumipad sya papuntang Germany. Ikinasal ako at nabalitaan ko nalang na umalis ka din ng bansa. Wala na akong komunikasyon kay Elle simula noon at napapamahal na din ako sa asawa ko hanggang sa lumipas ang limang buwan at nakatanggap ako nang tawag.”

Huminto ako at huminga ng malalim. Eto ang pinakamasakit na parte para sa akin at parang naririnig ko ulit ang boses nya nang tumawag sya sa akin. Dumilat ako at tiningnan syang tulala lang.

“Si Elle, lumalala na ang sakit nya.”

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon