27. Boss

344K 3K 501
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

After 4 years...

“Ms. Villegas, we have a big project at sayo ko gustong ipagkatiwala iyon, you and our new CEO ang hahawak noon. Our new CEO is one of the best engineer in America kaya sayo ko talaga ito ipagkakatiwala.” mahabang litanya sa akin ni Mr. Velasco.

“Mamaya ay may meeting kayo mamaya pagkatapos ipakilala ang new CEO, okay?”

Tumango ako at bumalik sa desk ko. Buti naman at may project na ako at baka mabaliw ako sa sobrang inip dito sa opisina.

Well, official engineer na ako at halos isang taon na ako dito sa Pilipinas. Kaso walang nakakaalam ng pagbabalik ko at dito ako sa Cebu umuwi. Except kay Marga, RC at Luke na nandito din sa Cebu kasama ko. Napagdesisyunan ko din na maging independent na at hindi umasa sa pera ng magulang ko. Gusto kong makuha ang gusto ko sa paraan na ako ang naghirap hindi ang iba.

Wala akong balita sa mga tao doon sa Manila. Masaya naman na ako sa buhay ko ngayon. Siguro?

 

Nabalik ako sa realidad ng biglang tumunog ang telepono na nasa tabi ko. Sumandal ako sa upuan ko bago sagutin ito.

“Ms. Villegas speaking..”

“Elle, si Mr. Hot Papa nandito sa lobby at hinihintay ka. Ayiiiee, I’m so kinikilig.”

Napailing ako ng marinig ang sinabi ni Didi na nasa reception sa ground floor. Ang Mr. Hot Papa na sinasabi ni Didi ay si Luke lang naman. Simula nung pumunta dito si Luke ay halos lahat ng empleyado dito ay pinagnanasaan sya pero lahat naman sila napapaatras pag nalaman na may anak na yung mokong na yun.

“Didi, ayan ka na naman, pwede ba tigilan mo na ko sa kakaasar dyan kay Luke. Friends lang kami nun.”

Kahit hindi ko sya nakikita ngayon ay alam kong umirap yun. Halos lahat ng kakilala namin ay pinagkakamalan kaming may relasyon kahit wala naman talaga.

“Sus, ang showbiz mo talaga. Oh sya, bumaba ka na at baka mainip pa itong si Mr. Hot Papa.”

Binaba ko na ang telepono at pumunta ng lobby para puntahan sya dun. Ano na naman kailangan nung lalaking yun? Bakit hindi nalang nya ako tinext at kailangan pa talagang pumunta dito.

“Mommy!!” isang yakap ang sumalubong sa akin ng makapunta ako sa lobby.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon