48. Rose

227K 2.6K 350
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Love is when the other person’s happiness is more important than your own.”

 

-Elle’s POV-

 

Halos dalawang buwan na ang lumipas simula nung araw na nag-propose sya ulit sa akin. Syempre joke ko lang yung pipirmahan ko yung annulment, pampakaba lang sa kanya. Basta kahit kasal na kami, magpapakasal pa ulit kami. Gastos naman nya to.

“Next week ikakasal ka na ulit, bakla! I’m so excited na! Si Marga kating-kati na talaga umuwi dito nung pinakita ko yung wedding gown mo.” tili nung katabi ko na si RC. Kung nandito lang talaga sa Cebu si Marga at wala sa Manila, baka iniwan na namin tong si RC sa sobrang ingay.

“Grabe sayang talaga sya.” bulong nung isang naga-assist sa akin sa pagsusuot ng wedding gown ko. Ngayon kasi ang last fitting ko baka kasi bigla akong tumaba at baka sa kasal ko hindi na to magkasya.

Natawa ko sa sinabi nya. Kung hindi naman talaga kasi bakla tong si Ramon, ang dami ng hahabol sa kanya kaso wala eh, pinanganak talaga sya na sirena. Nakita kong inirapan ni RC yung babae kasi mukhang narinig nya ang binulong nito.

“Oh my gracious, what are you doing here, Papa King?”

Naalis ang tingin ko sa wedding gown ko at napatingin sa lalaking bagong dating. Akala ko ba may pupuntahan sya? Anong ginagawa nya dito?

“Di ba sya yung groom?” tanong nung isa pang naga-assist sa akin.

“Hindi ba masama yung pag nakita ng groom ang bride nya na nakasuot ng wedding gown? Hindi daw matutuloy ang kasal.” singit ng isa pa.

Napatingin kami dun sa dalawang naga-assist sa akin dahil sa sinabi nila. Agad naman na nalipat ang tingin ko kay King na nawala ang ngiti dahil sa narinig. Maski ako parang ang excitement na nararamdaman ko kanina ay naglahong bigla dahil dun.

“Hoy bakla ka, anong pinagsasasabi mo dyan? Duh, alam mo ba masyado ng advance ang earth kaya waley na ang mga pamahiin na yan. Ituloy mo na nga lang yan ng maka-gora na kami.”

Huminga ako ng malalim nung marinig ko ang sinabi ni RC, buti nalang talaga at nagsalita sya dahil bigla nalang kaming natahimik dahil dun. Bigla-bigla ba naman kasing babanat ng ganun, ipakain ko sa kanya yung gown ko eh.

*

Naramdaman ko ang isang mainit na kamay na humawak sa kamay ko. Agad akong napalingon sa taong umupo sa tabi ko at napangiti ng makita kung sino iyon.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon