46. Consequences

252K 2.8K 352
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Just because somebody doesn’t love you the way you want them to, doesn’t mean they don’t love you with all they have.”

 

-Elle’s POV-

 

Tatlong araw na ang lumipas simula nung makalabas ako ng ospital.  Buti nalang talaga at pakiramdam ko mas lalo akong nanghihina pag nasa loob ako nun.

Halos limang araw na din ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya nakikita. Napaka-drama ng huling kita namin, malamang siguro sumuko na talaga sya sa akin. Hindi ko nga alam kung tama ba tong nararamdaman ko. Yung isip ko sinasabing tama na to pero yung puso ko pilit pa rin na ipinipilit sa sarili ko na maghintay lang ako at ipaglalaban nya ko.

Tinitigan ko pa din ang mga papel na nasa harap ko. Di ba sabi ko pipirmahan ko na to? Pero bakit hindi ko magawa? Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at sinabi ko yun sa kanya. Siguro matapos namin na mag-usap ni Fiona pati ni Luke parang natauhan ako. Sobrang dami nang nasaktan, sobrang dami na nadamay, hindi pa ba sapat yun na dahilan para bumitaw na ako?

Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa papel, nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ko ang ballpen na hanggang ngayon ay hindi pa din gumagalaw para magsulat. Hindi kaya masyado lang talaga akong depress nung araw na yun kaya naisip ko yun at nasabi kay King? Ang dami kong nang dinanas at sinakripisyo para sa kanya pero sa huli parang naiisip ko na mali na to.

“Subukan mong magsulat ng kahit ano dyan, hahalikan kita.”

Halos mapasigaw ako sa kinauupuan ko ng marinig ang malamig na boses na iyon. Laglag pangang tiningnan ko sya habang sya ay seryosong nakatingin sa akin. Napatingin ako sa taong nasa likod nya at nginitian nya lang ako at bigla syang umalis.

“Bye lovers, gogora lang ako!” sabi nya at tuluyang lumabas. Damn you, Ramon! Alam mong ayaw ko tong makita tapos papasukin mo.

Nang medyo okay na ako at naka-recover na sa pagkagulat, umayos ako ng upo at ibinaba sa mesa ang ballpen na hawak ko. Mataman syang nakatingin sa akin kaya pinapantayan ko ang tingin nya. Hindi naman siguro sya pumunta dito para makipagtitigan lang sa akin di ba?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Umupo muna sya sa harap ko bago ako sagutin. Simpleng pag-upo nya lang, sobrang perpekto na sa paningin ko. Ito ba talaga ang tao na gusto kong hiwalayan? King, bakit ka ba ganyan?

“I want to get what’s mine.” sabi nya at ngumiti ng malungkot. Tinitigan nya ako sa mata pero hindi ko yata kaya na salubungin iyon kaya tumingin nalang ako sa ibang lugar. Eto na naman sya, kung ano-ano ang sinasabing sweet words pero sa huli sasaktan din naman ako. Paulit-ulit nalang.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon