28. Past

340K 3.2K 373
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“It is true that people can move on but you can never erase the fact that only amnesia and death can erase the memories.”

 

-King’s POV-

 

Pagkatapos kong ipakilala sa mga empleyado ng bagong biling company ay dumiretso na kami sa opisina ni Mr. Velasco. Kanina pa ako naiinip at gusto ko nang matapos itong meeting na to. Kakadating ko palang galing sa isang business trip sa Hong Kong tapos dito pa ang diretso ko.

Sobrang stressed na ako sa trabaho ko, idagdag pa si Fiona na galit sa akin ngayon dahil hindi ko na sya nabibigyan ng oras. Nakakainis, hindi ba nya naiintindihan na sobrang bigat ng trabaho ko ngayon dahil sa dami ng projects na nakatambak sa akin?

“Wala pa din ba sya?” naiinip na tanong ko. Ang tagal naman yata na dumating nitong makakasama ko sa bago kong project. Kung hindi lang talaga malaki at kilala ang businessman na ito ay hindi ako magpapatulong para sa project ng resort nya.

“I’m sorry, Sir. Ipapatawag ko nalang po sya ulit.”

Bago pa makatayo si Mr. Velasco ay tumunog na ang intercom sa opisina nya. Nakita kong tumango sya. “Sige papasukin mo na sya.”

Mukhang nandito na ang kanina pa namin na hinihintay. Tumayo ako para makita kung sino ang nangahas na paghintayin ako at kung hindi ko talaga sya magustuhan ay pwede ko syang papalitan.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng isang babae pero agad iyong nawala nung makita kung sino ang nasa harapan nya. Maski ako ay hindi alam kung anong mararamdaman, bigla nalang bumalik sa akin ang nakaraan...

--

4 years ago...

 

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap. Hindi pa matanggap ng isip ko na yakap ako ni Fiona, ang babaeng minahal at mahal ko.

Sya ang unang humiwalay sa aming dalawa at hinawakan nya ang dalawang kamay ko. Umiiyak sya pero kita ko ang saya sa mga mata nya.

“King, akala ko hindi na kita makikita ulit.” sabi nya at parang napabalik ako noon sa tamang katinuan at lumayo sa kanya.

Muntik ko nang makalimutan na sya pala ang babaeng mahal ko na iniwan ako at sinaktan. Nakita ko lang sya ay parang naglaho na ang lahat ng galit sa puso ko.

“Anong ginagawa mo dito?” sinikap kong maging malamig ang tugon ko sa kanya.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon