22. Solved

351K 2.7K 423
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

“Sure ka na ba dito, sis?” tanong sa akin ni Marga na kanina pa palakad-lakad sa likod ko.

 

Inayos ko ang lipstick ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Perfect. Hinarap ko ang bestfriend ko na kakauwi lang galing probinsya at dito talaga sa akin kaagad sumugod.

 

“Marga, business party ang pupuntahan namin ni King at kailangan naming pumunta doon. Saka magkikita at magkikita rin kami lalo na at malapit nang magsimula ang next sem. Hindi pwedeng takasan ko nalang lagi ang problema ko, ano pa ang silbi ng tapang na ipinagmamalaki ko kung lagi nalang ako magtatago, di ba?” mahabang litanya ko kahit sa loob ko ay parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

 

“Are you giving him a second chance?” sabi nya at humarap sa akin na puno ng pag-aalala.

 

Hindi ko din naman sya masisisi sa nararamdaman nya ngayon. Alam kong nag-aalala lang sya sa akin pero nakapagdesisyon na talaga ako.

 

I just gave her a smile.

 

*

 

Huminga ako ng malalim bago itinulak ang pinto para pumasok.

 

“Elle!!” bungad sa akin ni Mommy na sobrang ganda ngayon sa kanyang gold dress.

 

Agad nya akong hinalikan sa pisngi at wala sa sariling tinanggap ko iyon. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nung makita ko ang hinahanap ko parang dumoble ang kaba ko. Eto na naman, hindi talaga uubra ang tapang ko sa kanya.

 

“May problema kayo, right? I hope na maayos nyo na yan.”

 

Nagulat ako sa sinabi ni Mom. Alam nya?

 

Napatingin lang ako sa kanya na nagtataka. Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang braso ko.

 

“I’m your mom, Elle. Hindi ko man alam kung anong problema yan pero nararamdaman ko ang tensyon sa inyo.”

 

Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi pa man ako nakaka-recover sa sinabi nya ng tawagin nya si King para lumapit sa amin.

 

Seryoso lang ang mukha nya. Gusto ko sya titigan pero naiilang ako kaya umiiwas ako agad ng tingin.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon